2nd Most Wanted Person sa MIMAROPA, arestado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nadakip ng mga tauhan ng kapulisan ng MIMAROPA at ng probinsya ng Palawan ang 2nd Most Wanted sa buong rehiyong ng Region 4B nitong January 15 sa isang barangay sa Taytay, Palawan.

Nakilala ang suspek na si Rogelio Relabo Resgado o alyas Roging, 67 taong gulang at residente rin ng nasabing barangay.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 50 noong December 2, 2015.

Si Roging ay may kasong rape noong June 2015 matapos na gahasain ang dalawa niyang apo kapag iniiwan ng mga kasama sa bahay nito.

Walang piyansa ang kaso ni Roging at inaasahang ihaharap siya sa korte ngayong linggo.