DoH-MiMaRoPa and NCH signs MOA for Joint Telemedicine Consultation in the Region

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News with reports from Ludy Bermudo, Philippine Star | Wednesday, 25 November 2015

Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang niligdaan nitong November 16 sa pagitan ng Department of Health-MIMAROPA at ng National Children’s Hospital and Medical Center para sa pro­yektong ‘Telemedicine’ na tutugon sa mga pangangailangang medikal sa mga liblib na lugar sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Layunin ng nasabing Memorandum of Agreement (MOA) na tiyaking maibibigay sa mga mamamayan sa rehiyon ang parehas at abot-kayang serbisyong medikal para sa mga mahihirap at underserved sa pamamagitan ng telemedicine.

Sa ilalim ng MOA, ang NCH ang magbibigay ng suporta sa pasyente sa pamamagitan ng pagtatalaga ng resident doctors at ng medicine consultants na magsasagawa ng evaluation, diagnosis and recommendations sa mga pasyente sa pamamagitan ng electronic mail na itinatag sa naturang programa.

Sa sandaling matanggap ang initial findings, iprepresenta ito ng resident doctor sa medicine consultant kasunod nito ang pagsasagawa nila ng evaluation sa kalagayan ng ini-refer na pasyente sa pamamagitan ng video conference.

Habang makikipag-ugnayan naman ang DOH-MIMAROPA sa NCH kaugnay sa implementasyon at mga proseso ng telemedicine project kasama na rito ang documentation, recording at research, ang regional office din ang magsasagawa ng initial assessment sa mga pas­yente, gaya ng pagkuha ng mga personal data at ipadadala sa NCH pitong araw bago ang itinakdang consultation session.

Sa Romblon, tanging San Agustin Municipal Health Unit palamang ang gumagamit na naturang programa.