Pambato ng Romblon, wagi sa Regional Consumer Quiz Bee ng DTI

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 29 October 2015

Itinanghal na kampiyon si Luke Fajilan na pambato ng lalawigan ng Romblon sa katatapos na Regional Consumer Quiz Bee ng Department of Trade and Industry (DTI) Mimaropa na ginanap kahapon sa Bayview Park Hotel, lungsod ng Maynila.

Sinabi Mary Grace H. Fontelo, information officer ng DTI – Romblon, ang pambatong contestant ng Romblon ay kasalukuyang Grade 10 student ng Mabini National High sa Corcuera, Romblon kung saan siya rin ang nangunguna sa kanilang klase.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Corcuera Mayor Rachel Bañares sa pagkapanalo ni Fajilan dahil nakapaghatid ito ng isang malaking karangalan sa kanilang bayan at maging sa probinsiya ng Romblon.

Kabilang sa mga naiuwing gantimpla ni Fajilan ay P15,000, tropeo at medalya bilang pagkilala sa pinakita nitong talino.

Nakasama ni Fajilan sa pagtungo sa naturang kompetisyon ang kanyang coach na Jimhel Fampo at Orville Mallorca, Provincial Caretaker ng DTI sa Romblon.