Magsasaka sa Palawan, patay matapos hatawin ng Palakol

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Karumal dumal ang sinapit ng isang magsasaka sa Sitio Carlos, Barangay Bacungan, Puerto Princesa City Palawan nitong hapon ng Linggo, February 11, matapos na hatawin ng palokol ng makailang beses sa katawan.

Kinilala lamang ng Puerto Princesa Police Office ang biktima na si 'Alyas Bunso'.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Puerto Princesa Police Office na habang pauwi na umano si galing sa inuman si Melchor Dacanay ay bigla umano itong hinamn ng suntukan ng kainuman niyang si Alyas Bunso.

Akma sanang susuntukin ni Alyas Bunso si Dacanay ngunit nakailag umano ito.

Dito na namagitan ang suspek na kinilalang si Allan Cabate na may dalang palakol ngunit bigla umanong sinuntok ni Alyas Bunso si Cabate kaya gumanti umano si Cabate at hinataw ng palakol sa katawan ang biktima.

Makailang beses pa na hinataw ng palakol ni Cabate si Alyas Bunso sa kanyang katawan kaya agad rin itong binawian ng buhay.

Agad namang naaresto si Cabate ng mga rumespondeng tauhan ng City Police Station 2, at nakuha rin ang duguang palakol na ginamit sa biktima.

Sa kasalukuyan ay nakakulong na si Cabate at inihahanda na ang kasong Murder laban dito.