Department of Tourism MIMAROPA, may bagong Regional Director

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Inanunsyo nitong Lunes ng Department of Tourism MIMAROPA na ang bagong uupo na Regional Director-OIC ng ahensya ay si Director Maria Luisa S. Diploma.

Sa Memorandum Circular ng Department of Tourism MIMAROPA nitng January 22 na si dating Dir. Danilo Intong ay malilipat sa Office of Tourism Standards and Regulations (OTSR) alinsunod sa order ni DOT Sec. Wanda Teo nitong January 04, 2018.

Sa unang order ay sinabing papalit sana kay Intong ay si Rebecca Labit ngunit binago ang order nitong Lunes, January 22.