Mga pauwi ng probinsya dagsa na sa Batangas Port

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of Mary Joy DavidPhoto Courtesy of Mary Joy David

Nagsimula ng dumagsa sa Batangas Port ngayong araw ang mga pasaherong pauwi ng Mindoro, Romblon at Caticlan para doon magpalipas ng pasko at bagong taon.

Nagsisiksikan na rin ang mga pasaherong kumukuha ng ticket para makabiyahe ngayong araw dahil ang ilang barko ay fully-booked kagaya ng 2Go Travel na wala ng availble na ticket hanggang January 02.

Ang ilang hindi makakuha ay sinasabing magpapabukas nalang at magpapalipas nalang ng gabi sa pantalan.

Samantala, walang biyahe naman ngayong araw ang mga fastcrafts na patungong Calapan City dahil sa mataas na alon dala ng masamang panahon. Tanging mga malalaking RORO lang ang pinapayang maglayag patungong Calapan City galing Batangas Port.