Ginang, inatake ng Buwaya sa Palawan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Sugatan ang isang ginang sa Barangay Pasig, Balabac, Palawan matapos atakihin ng isang buwaya nitong hapon ng Huwebes.

Kinilala ng Police Regional Office MIMAROPA ang biktima na si Maritsaya Hussin, 45-taong gulang, at residente ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-3 ng hapon kahapon nang atakihin ng buwaya ang biktima habang ito ay nag iigib ng tubig. Agad namang siyang tinulungan ng kanyang pamangkin hanggang sa makatakas silang dalawa.

Nagtamo ng malubhang sugat ang biktima dahil sa kagat ng buwaya kaya agad itong isinugod sa pinakamalapit na Rural Health Unit.

Patuloy na nagpapagaling ang biktima.