Dalawang Obrero, binaril ng tandem nitong Friday the 13th

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Dalawang obrero ang sugatan sa pamamaril nitong gabi ng Biyernes, October 13 sa Sitio Sta. Ana, Barangay Cacawan bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Kinilala ni Police Senior Inspector Alvimar Flores, hepe ng Pinamalayan PNP, ang mga nabaril na sina Belcezar Paz Frank, 61, at Sulpicio Durado Abuyo, 62.

Sa imbestigasyon ng Pinamalayan PNP, nag-iinuman ang dalawang mag barkada sa bahay ni Belcezar nang pasukan ng lumapit sa kanila ang hindi kilalang lalaki at pinagbabaril sila.

Nagtamo ang dalawa ng gun wounds dahil sa pamamaril.

Agad naman na tumakas ang suspek kasama ang kanyang partner na naka-motorisklo na nag-aantay sa labas ng bahay.

Nagpapagaling na ngayon sa Ospital ang dalawang obrero habang patuloy na inimbestigahan ng Pinamalayan Municipal Police Station ang nasabing pamamaril.