Suspek sa pagpatay sa isang konsehal at kanyang anak sa Puerto Galera, arestado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naaresto kaninang medaling araw sa Brgy. Poblacion, San Teodoro, Oriental Mindoro sakay ng isang white van ang dalawang suspek sa pagpatay sa konsehal ng Puerto Galera at sa kanyang anak.

Positibong kinilala ng isang witness ang dalawang lalaking sina Tirso Manlangit Tito, 39, at Rogelio Sotto Sto. Tomas, pawang mga residente ng Lipa City, Batangas

Ayon kay Police Chief Supt. Imelda Tolentino ng Regional Police Information Office MIMAROPA, ang dalawang suspek ay patungo sanang Calapan City, Oriental Mindoro nang madakip sa isang checkpoint sa bayan ng San Teodoro.

Dagdag pa ni Tolentino, nakarekober ang SOCO Team sa crime scene ng aabot sa 10 piraso ng basyo ng caliber .45 at ilang slugs.

Naglatag na rin umano si Police Senior Supt. Christopher Birung, Provincial Director ng Oriental Mindoro Police Provincial Office ng Special Investigation Task Group para matukoy ang rason sa pagpaslang kay Konsehal Marcelo arago at sa kanyang anak na si Kenneth nitong hapon ng October 03.

Hawak na ngayon ng Puerto Galera Municipal Police Station ang dalawang suspek.