Konsehal at anak nito, todas sa tandem sa Puerto Galera

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: RPIO MIMAROPAPhoto Courtesy: RPIO MIMAROPA

Todas sa tandem ang isang konsehal at anak nito sa bayan ng Puerto Galera, Oriental Mindoro kahapon ng hapon.

Ayon kay Police Chief Supt. Imelda Tolentino ng Regional Police Information Office MIMAROPA, dead on the spot ang konsehal na kinilalang si Melchor Arago, 52-taong gulang at konsehal ng nasabing bayan. Kasama ng konsehal na pinagbabaril ng tandem ang kanyang 15-anyos na anak na si Kenneth na nagtamo rin ng maraming tama ng bala.

Ayon sa mga nakasaksi sa pamamaril, nasa loob ng kotse ang konsehal sa harap ng kanyang bahay nang ratratin ng tandem. Paalis na ang tandem sa crime scene nang lumabas ang 15-anyos na anak ng konsehal, dito na ito isinamang target at pinagbabaril rin.

Hindi pa tukoy ng Puerto Galera Municipal Police Station ang pagkakakilanlan sa suspek ngunit ngayon at nagsasagawa sila ng manhunt operation at in-depth investigation para sa pagkakakilanlan sa mga ito.