Kagawad at kasama nito, arestado sa operasyon ng Pulisya sa Mindoro

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Arestado sa drug buy-bust operation ng pulisya ang isang Barangay Kagawad at ang kasama nito sa ginawang operation sa Barangay Little Tanauan, Roxas, Oriental Mindoro nitong September 22.

Kinilala ni Supt. Imelda Tolentino ng Regional Police Information Office MIMAROPA ang mga suspek na sina Barangay Kagawad Celestino Gomez Maburam, 41; at si Edgard Magada Francisco, 48.

Dinakip ang dalawa matapos mabilhan umano ng dalawang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,500.

Hawak na ngayon ng Roxas Municipal Police Station ang dalawang suspek at nakasuhan na ng paglabag sa Republic Act 9165.