Number 9 MWP ng Pinamalayan MPS, arestado sa Batangas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Arestado sa Barangay Halang, Taal, Batangas ang number nine most wanted person ng bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro nitong hapon ng September 22, 2017.

Kinilala sa spot report na pinadala ni Police Chief Inspector Alvimar Flores sa Romblon News Network, ang suspek na si Leoncio Patulot Jr, 54 taong gulang, at isang Construction Worker.

Inaresto si Patulot sa kasong frustrated murder at sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court noong July 20, 2015.

Hawak na ngayon ng CIDG Batangas ang suspek at nakatakdang ibiyahe ng Pinamalayan sa susunod na araw para iharap sa korte.

Maaring makalaya si Patulot kung magpa-piyansa ng aabot sa 200,000 pesos.