Vice Mayor ng Roxas, Oriental Mindoro, patay sa pamamaril

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Patay sa pamamaril kahapon ng hapon si Jackson Cinco Dy, kasalukuyang Vice Mayor ng bayan ng Roxas, Oriental Mindoro.

Dead on the spot si VM Dy matapos magtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo na ginawa ng isang gunman.

Nangyari ang pamamaril bandang alas-4:30 ng hapon sa Barangay Dangay, Roxas, Oriental Mindoro.

Sa initial na imbestigasyon ng Roxas Municipal Police Station, nagpapalinis ng kotse si Dy nang lapitan sa at barilin sa likod ng isang hitman, agad na tumakas ang nasabing hitman sakay ng nag-aabang na rider sa labas car wash center.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari at kung ano ang dahilan ng pagpatay kay Dy.

Samantala, ang 58 anyos na si Dy bago maging Vice Mayor ay naging Alkalde muna ng nasabing bayan.