No. 2 Most Wanted Person sa MIMAROPA, arestado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of RPIO MIMAROPAPhoto Courtesy of RPIO MIMAROPA

Sa patuloy na pagtugis ng Regional Police Office MIMAROPA sa mga wanted person sa rehiyon, naaresto na kahapon ng mga tauhan ng pulisya at CIDG ang number two most wanted person sa MIMAROPA.

Kinilala ni Police Supt. Imelda Tolentino ng Regional Police Infomation Office MIMAOPA ang naarestong suspek na si Marcelo Gabatin Sumaoang, alias Balong, 34 taong gulang at residente ng Baangay Langob, Escalante City, Negros Occidental.

Naaresto si Balong sa Quezon St. Sigay City, Negros Occidental sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong 1 count of murder at 3 counts ng frustrated murder na taong 2014 pa inilabas ng korte.

Si Sumaoang ay suspek sa pagpatay sa isang Leoberto Erandio, at pagkasugat sa 3 pang kasama nito noong gabi ng July 2014 sa Barangay Poblacion, San Jose, Occidental Mindoro.

Nasa kostudiya na ng SIgay City Police Station ang suspek at nakatakdang iharap sa korte sa Occidental Mindoro.