2 Construction worker sa Calapan City, patay matapos makuryente

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy: Choy AbobotoPhoto Courtesy: Choy Aboboto

Dalawang construction worker sa Calapan City, Oriental Mindoro ang dead on the spot matapos sumabit ang boom ng kanilang sinasakyang boom truck sa primary electric line o main power line sa Barangay Sta. Rita sa nasabing siyudad bandang alas 11:30 ng umaga kanina.

Kinilala ang mga nasawi na sina Elybert R. Marimon, 41, driver ng nasabing truck at ang kanyang pahinante na kinilalang si Ivan Cabanilla.

Ang nasabing isuzu truck na may plate number WIG919 na pag mamay-ari ni Mrs. Etella Macabagal ay nagkakarga umano ng mga drums na may lamang asphalt na gagamitin sa pagkumpuni sa mga semento nang sumabit ito sa power line.

Halos maabo ang ilang bahagi ng katawan ng mga biktima dahil sa lakas ng kuryente na dumaloy sa kanilang katawan.

Umapoy rin ang sasakyan pero agad naman itong naapula ng mga awtoridad.