DOST Secretary to visit Romblon this Monday

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Bibisita sa mga isla ng Tablas at Romblon si Engineer Fortunato de la Peña, Secretary ng Department of Science and Technology upang dumalo sa ilang programa ng Regional Celebration ng National Science and Technology Week (NSTW) sa rehiyon ng MIMAROPA na iho-host ng bayan ng Odiongan ngayong August 14.

Ilan sa mga aktibidad ni De La Peña ay ang pakikipagpulong sa ilang costumer ng Department of Science and Technology Romblon at ila ring scholars ng ahensya sa Romblon State University.

Inaasahang dadalo rin siya sa Regional Invention Contest and Exhibits (RICE) na gaganapin sa Virginia Centurione Bracelli School.

Sa Romblon, Romblon; ilang pagawaan ng marmol rin ang kanyang bibisitahin bilang survey sa mga maaring programa na pwedeng gawin ng Department of Science and Technology sa probinsya.