Drug suspects detained in Sablayan Police Station in Occidental Mindoro escaped

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Patuloy na pinaghahanap ng mga kapulisan sa Oriental at Occidental Mindoro ang isa sa dalawang drug suspect na nakatakas sa bilangguan ng Sablayan Municipal Police Station nitong July 15.

Kinilala ng Regional Police Information Office MIMAROPA ang mga suspek na sina Apolinario Bermudo Alfaro Jr., 48 years old, at Joshua Consolacion Greño, 21 years old, pawang mga residente ng Sablayan, Occidental Mindoro.

Sinira umano ng mga nasabing bilanggo ang lock ng kanilang selda bandang alas-8 ng gabi nitong Sabado kaya nakatakas ang mga nabanggit.

Kahapon, 2:45 ng madaling araw, nadakip ng Sablayan Police si Alfaro habang sumuko naman kagabi bandang 6:40 ng gabi si Greño.