9-taong gulang na bata, patay sa salpukan ng motor at tricycle sa Calapan City

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy: Choy Aboboto, Calapan City Public Safety DepartmentPhoto Courtesy: Choy Aboboto, Calapan City Public Safety Department

Dead on arrival sa ospital ang isang 9 na taong gulang na grade 5 student habang kritikal naman ang dalawa pa nitong kapatid at sugatan naman ang ilan pang kamag-anak matapos na masangkot sa aksidente sa Barangay Guinobanta, Calapan City ngayong gabi, July 16.

Nangyari ang aksidente bandang alas-7 ng gabi sa kahabaan ng Strong Republic Nautical Highway sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng Calapan City Police Station, binabaybay umano ng tricycle na minamaneho ni Lito Aboboto, 32-years old, sakay ang kanyang 8 kamag-anak ng salpukin ng isang motorsiklo na minamaneho naman ni Reynaldo Villanueva , 32-taong gulang.

Nangain umano ng linya ang motorsiklo ni Villanueva kaya nasalpok nito ang kasalubong na tricycle.

Sa lakas ng pagkakasalpok ng motor, nagkawasak-wasak ang harapang bahagi ng tricycle at dito naipit ang magkakapatid na Hernandez.

Dead on the spot si Chrison Hernandez, 9; habang nasa ICU naman ang kanyang kapatid na sina Ejay Hernandez, 7, at Jefferson Hernandez, 5. Sugatan naman ang driver ng tricycle at motorsiklo, gayun na rin sina Elsie Melendez, 53; Nerissa Aboboto, 28; Melody Hernandez, 27; John Mark Aboboto, 9; at John Michale Aboboto, 5.

Batay pa sa imbestigasyon ng Calapan City Police Station, nakainum umano ng alak ang driver ng motorsiklo na si Villanueva.

Hawak na si Villanueva ngayon ng pulisya at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Multiple Serious Physical Injuries.