Sundalo ng 203rd Infantry Brigade, napatay sa Marawi City

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Sa pagpapatuloy ng bakbakan sa Marawi City ng mga militar at ng rebeldeng grupong Maute-Isis; patuloy rin ang paglobo ng mga sundalo at sibilyang namamatay sa bakbakan.

Nitong umaga ng July 10, napatay ng mga rebelde si Corporal Dennis Lusterio Selda, 29, ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army habang nakikipag bakbakan sa sentro ng Marawi City, Lanao Del Sur.

Tanghali naman ng July 12, dumating ang labi ni Corporal Selda sa San Jose Domestic Airport sa Occidental Mindoro para ihatid sa kanyang lugar sa Barangay Anoling, Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Sinalubong ang labi ni Corporal Selda ng gun salute.

Dinala na ang labi ni Selda sa kanyang pamilya barangay kung saan nag-aantay ang kanyang asawa at ang 7-buwan gulang niyang anak.

5 taon pa lamang na miyembro ng Philippine Army si Corporal Selda.