Dating Konsehal ng Victoria, OrMin; patay matapos manlaban sa pulisya

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy of RPIO MIMAROPAPhoto Courtesy of RPIO MIMAROPA

Napatay matapos manlaban sa mga pulisya ang dating konsehal ng bayan ng Victoria, Oriental Mindoro kagabi.

Ayon kay Superintendent Imelda Tolentino ng Regional Police Information Office MIMAROPA, bandang alas-8:30 kagabi ng magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis ng Victoria Municipal Police Station at Police Intelligence Branch ng Oriental Mindoro PPO sa Barangay Ordovilla ng nabanggit na bayan.

Nakatunog umano ang suspek na si Roel Palaganas Ganad, 32-years old, at ang kasama na nitong hindi nakilala ng pulisya na mga operatiba ang kanilang ka transaksyon.

Bumunot umano ng .38 caliber pistol ang si Ganad at nakipag barilan sa mga pulis.

Nagtamo ng dalawang tama ng baril si Ganad sa katawan habang ang kasama nito ay nakatakbo gamit ang kanyang motorsiklo paalis ng lugar. Dinala pa sana sa Umali Medical Clinic si Ganad ngunit idineklara ring dead on arrival.

Nakuha kay Ganad ang anim na sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang baril na ginamit laban sa mga pulis.

Patuloy namang inaalam ng pulisya kung sino ang nakatakas niyang kasama.