Dalawang pulis, sugatan sa pagsabog ng paputok sa Marinduque

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy of Marinduque News Network.Photo Courtesy of Marinduque News Network.

Dalawang pulis ng Boac Municipal Police Station ang sugatan matapos na masabugan ng mga paputok na balak na sana nilang i-dispose sa Barangay Santol, Boac, Marinduque kaninang hapon.

Bandang Alas-3 ng hapon nang dumating umano sa lugar ang grupo ng mga kapulisan ng Boac Municipal Police Station kasama ang mga bombero ng Bureau of Fire Protection-Boac upang sirain sana ang mga nakumpiskang paputok ngunit bigla umano itong sumabog.

Ayon kay SPO2 Mario Permejo, investigator ng Boac MPS, nilalapag na umano ng dalawang pulis ang 82 packs ng 5-star nang bigla umano itong sumabog dahil sa tindi ng init ng araw.

Nadamay sa pagsabog ang patrol car ng BOAC Municipal Police Station at ang firetruck ng Bureau of Fire Protection-Boac.

Nagtamo naman ng paso sa katawan ang dalawang pulis na kinilala ni SPO2 Permejo na sina SPO2 Nelson Rico Hermoso at PO2 Jeffrey Gutierrez na pawang nagpapagaling na ngayon sa isang ospital sa nasabing bayan.

Wala namang pahayag ang Bureau of Fire Protection-Boac sa nasabing insidente.