Two Czech nationals drowned in Coron, Palawan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Dalawang Czeh Nationals ang nasawi habang nagbabakasyon sa Coron, Palawan nitong March 13, 2017.

Ayon sa Regional Police Office MIMAROPA, ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Jakub Brazda, 25-taong gulang; at Martin Sefcik, 28-taong gulang.

Ang mga biktima umano kasama ang 13 pang Czech Nationals ay nagsasagawa ng forisland hopping nitong umaga ng March 13. Naligo umano sila kasama ang 13 na iba pa sa Kayangan Lake, na kanilang huling destinasyon.

Napansin umano ng grupo bandang 4:30 ng hapon na parang hindi na nila kasama ang dalawa kaya nagreport agad sila sa pulisya.

Agad na hinanap ng coast guard ang dalawa hanggang sa makita nila ito sa ilalim ng dagat bandang 8:20 ng gabi.

Dinala na sa Coron District Hospital ang labi ng dalawa.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang local government at police officers ng Coron sa Czech Embassy dito sa Pilipinas kaugnay sa aksidente.