U_Spy: Huwag puro pangako

Written by Rey Marfil

Matapos diinan ang tila daplis na polisiya sa paglalaan ng pondo para sa mga imprastrakturang pangtransportasyon, agad sumabak sa radio interview ang gobernador ng Romblon sa programang Mata ng Bayan sa Radyo Natin.

Hindi pa gaanong sigurado ang pagkukunan ngunit may nakalaan na umanong aabot sa P1 milyong pisong pondo ang pamahalaang lalawigan para sa pagsasaayos ng lumang airstrip sa Barangay Azagra, San Fernando, Romblon.

Ang tanong lamang: hanggang saan aabot ang pondong ito at ano ang detalye ng ipagagawang pagsasaayos ay lingid pa sa ating kabatiran sa ngayon. Kung damo o konkreto, o di kaya ay pagpapantay lamang ng...

Read more: U_Spy: Huwag puro pangako

U_Spy: Magkaugnay ang transportasyon at turismo

Written by Rey Marfil

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit sa kabila ng paulit-ulit na pagpapaigting ng tourism promotion at marketing efforts ng gobyerno ay hindi makatake-off ang sektor ng turismo sa piling mga lalawigan at bayan sa bansa?

Binuhusan na ng pondo ang imprastraktura, bagong tayo ang mga government-owned tour sites, hindi matawaran ang ganda ng mga atraksyon sa maraming bahagi ng Pilipinas ngunit inaagiw ang mga ito at nilalangaw ang booking sa nasabing mga pasilidad-turismo.

Sa lalawigan ng Romblon, sa gitna ng araw-araw na biyahe ng barko mula Batangas Port at Caticlan papuntang Odiongan, komersiyo lamang ang umangat kahit na katambal na...

Read more: U_Spy: Magkaugnay ang transportasyon at turismo

U_Spy: Wag padadala sa emosyon

Written by Rey Marfil

Sa gitna ng pamamayagpag ng kalituhan at paglipana ng kargadong opinyon dahil sa magkakasunod na pangyayari sa pangangasiwa at pandaigdigang relasyon ng ating bansa, panahon na upang pumagitna at marinig - hindi ang mga pantas sa usaping diplomatiko at pulitika na kadalasa'y batbat ng emosyon at pagkakampi-kampi kundi ang saloobin ng obhektibong tagamasid na magpapahayag ng maliwanag na katwiran at makatwirang paliwanag.

Hindi ito madadaan sa mainitang pagtatalo at pamamayani ng nakakabinging tinig sa pelikula gaya ng 'Heneral Luna' kung saan binitiwan ng pamosong bayani ang mga katagang "pumili ka: bayan o sarili!" Hindi ganun kasimple ang pagkalas sa Amerika.

Sa...

Read more: U_Spy: Wag padadala sa emosyon

U_Spy: Gamitin ang impluwensiya ni Budoy

Written by Rey Marfil

Hindi na bago ang panawagan sa paghahati ng mga congressional o legislative district sa bansa--ang ideal nga ay dapat itong regular na ginagawa habang lumalaki ang poulasyon at nakikitaan ng kahinaan ang paglilingkod ng pamahalaan sa pangangasiwa.

System-wide o nationwide ang panawagan ng mga pantas sa politika at hindi patingi-tinging paghahati, dahil hindi nakakamit ang layunin ng batas kapag paisa-isa itong isinasagawa. Hindi rin pawang motibasyong personal o pampulitika ang nasa likod ng mga panawagang ito.

Paso na ang panahon ng hatian ng paghahari ng mga gahamang politiko; nakalalamang na ngayon ang hangarin ng pag-unlad lalo na sa mga kanayunan...

Read more: U_Spy: Gamitin ang impluwensiya ni Budoy