Pamamahagi ng condom sa mga paaralan, walang saysay?

Written by Ressie S Fos | Romblon News
  • Pinterest

Image by: www.hrw.orgImage by: www.hrw.org

Walang halong duda na dapat lamang matuldukan o kaya mabawasan ang mga insidente o resulta ng pagtatalik sa murang edad o kaya sa hindi tamang panahon, katulad na lamang ng mga sexually transmitted disease, maagang pagbubuntis at iba pa. Maliwanag pa naman sa sikat ng araw na ang DOH kahit noon pa ay hindi naman nagkukulang sa pagsulong ng mga programang nagtuturo sa mga tao lalo na ng mga kabataan upang maging responsable at maingat sa pagtatalik. 

Kamakailan ay naging usapan ng bayan ang pamamahagi ng DOH ng mga condoms sa mataas na paaralan, may mga pabor at kontra. Ang...

Read more: Pamamahagi ng condom sa mga paaralan, walang saysay?

U_Spy: Nagpapagod lang

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Kawawang Bongbong Marcos, aba'y kahit pala matanggal si Vice President Leni Robredo dahil sa late na paghahain ng Liberal Party ng statement of contributions and expenditures (SOCE) kasunod ng May 9, 2016 elections, hindi pa rin si Bongbong ang papalit sa kanya.

Ito ang opinyon ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Artemio Panganiban kaugnay na rin ng inihaing petisyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Korte Suprema kaugnay ng desisyon ng Comelec na bigyan ng extension ang LP na makapaghain ng SOCE mula June 8 patungong June 30, 2016.

Ginawa ni Alvarez ang hakbang dahil nakasaad sa Republic Act...

Read more: U_Spy: Nagpapagod lang

Sibuyan Province? A Wake-up Call

Written by Ressie S Fos | Romblon News
  • Pinterest

Image by GoogleImage by Google

Maituturing na isang 'milestone' initial achievement para sa mga Sibuyanong grupo na nasa likod ng petisyon na itatag ang sariling probinsya ng Sibuyan na nakarating na ito sa opisina ng Pangulo, napirmahan na umano at nai-refer na sa tamang ahensiya upang mapag-aralan ito.

Maaaring marami rin sa ating mga kababayan lalo na ang mga hindi taga-Sibuyan ang nagtatanong, 'ito ba ay kailangan?" 

Malamang, ang agam-agam ng iba, maliit na nga ang Probinsya ng Romblon, tapos hahatiin pa. Sa isang banda naman kasi, hindi rin natin masisisi ang mga taga-Sibuyan na naisin ito dahil na rin sa kanilang hinaing na tila...

Read more: Sibuyan Province? A Wake-up Call

U_Spy: Debosyon kay Sto. Nino

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Halos limang (5) taon din akong araw-araw na pumaroo't-parito sa bisinidad ng Quiapo noong tayo ay nasa kolehiyo.

May maliit na puwesto kasi ang isa kong kapatid sa tapat ng Isetann-Recto at doon ako tambay hanggang makapagtapos.

Doon ko nasaksihan ang paglobo ng bilang ng mga debotong nananampalataya sa Poong Itim na Nazareno, mula sa mga namamanata upang matupad ang mga inaasam na kahilingan hanggang sa mga yaong tumutupad sa taimtim na pangakong binitawan sa harap ng altar ng kabanalan.

Sa taong ito, inaasahang aabot sa 14M-katao ang makikilahok sa taunang Translacion na tatahak sa ruta ng prosisyon mula Luneta...

Read more: U_Spy: Debosyon kay Sto. Nino