Sibuyan Province? A Wake-up Call

Written by Ressie S Fos | Romblon News
  • Pinterest

Image by GoogleImage by Google

Maituturing na isang 'milestone' initial achievement para sa mga Sibuyanong grupo na nasa likod ng petisyon na itatag ang sariling probinsya ng Sibuyan na nakarating na ito sa opisina ng Pangulo, napirmahan na umano at nai-refer na sa tamang ahensiya upang mapag-aralan ito.

Maaaring marami rin sa ating mga kababayan lalo na ang mga hindi taga-Sibuyan ang nagtatanong, 'ito ba ay kailangan?" 

Malamang, ang agam-agam ng iba, maliit na nga ang Probinsya ng Romblon, tapos hahatiin pa. Sa isang banda naman kasi, hindi rin natin masisisi ang mga taga-Sibuyan na naisin ito dahil na rin sa kanilang hinaing na tila...

Read more: Sibuyan Province? A Wake-up Call

U_Spy: Debosyon kay Sto. Nino

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Halos limang (5) taon din akong araw-araw na pumaroo't-parito sa bisinidad ng Quiapo noong tayo ay nasa kolehiyo.

May maliit na puwesto kasi ang isa kong kapatid sa tapat ng Isetann-Recto at doon ako tambay hanggang makapagtapos.

Doon ko nasaksihan ang paglobo ng bilang ng mga debotong nananampalataya sa Poong Itim na Nazareno, mula sa mga namamanata upang matupad ang mga inaasam na kahilingan hanggang sa mga yaong tumutupad sa taimtim na pangakong binitawan sa harap ng altar ng kabanalan.

Sa taong ito, inaasahang aabot sa 14M-katao ang makikilahok sa taunang Translacion na tatahak sa ruta ng prosisyon mula Luneta...

Read more: U_Spy: Debosyon kay Sto. Nino

U_Spy: Kawawang Leni

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Sadyang hindi nawawala ang pagiging oportunista ng ilang tao, aba'y ginamit ng ilang tao ang bagyong Nina para lang mamulitika, mamersonal at manira.

Tulad ng maraming Pilipino, binibigyan natin ng panahon ang ating pamilya, lalo na ngayong kapaskuhan. Nakakalungkot pero ang kalamidad tulad ng bagyo ay walang pinipiling panahon at maaaring mangyari anumang oras.

Kapag nagsabay ang dalawang bagay na ito, gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang makapaghatid ng tulong habang ginagampanan ang responsibilidad sa pamilya at mahal sa buhay.

Kaya naman, dapat mayroong mga nakalatag na sistema upang makakilos ang mga ahensiya ng pamahalaan at mga komunidad...

Read more: U_Spy: Kawawang Leni

U_Spy: Anong petsa na, wala pa rin plaka!

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Magtatapos na naman ang taon, tila kahapon lamang noong magsimulang manungkulan ang kasalukuyang pangasiwaan at umpisahang tugunan ang mga kasalukuyang hamon ng bansa.

Ilang araw na lamang at nasa kalahating marka na bago ang unang anibersaryo ng pamunuan ni Pangulong Digong Duterte. Napakabilis talagang uminog ang panahon.

Pagkaupung-pagkaupo, tila nalusaw ang 'tanim-Bala' na noong eleksyon lamang ay tinaguriang 'Laglag-Punglo' na tila pangangantyaw sa Liberal Party dahil sa acronym ng LP.

Nandyan din ang pamamayagpag ng pangungutya sa namumuno noon sa mga paliparan gamit ang "Late Plane" dahil sa atrasadong byahe ng eroplano dahil sa runway congestion.

"Late Plate" din ang...

Read more: U_Spy: Anong petsa na, wala pa rin plaka!