U_Spy: Mahalaga ang OFW ID kung libre

Written by Rey Marfil

Kung marami ang pumapalag mga tsong sa mungkahing Muslim-only ID system na sa tingin ng mga kritiko ay isang uri ng diskriminasyon, mukhang marami naman ang pabor sa isa pang ID system na planong ipatupad para naman sa mga bayani nating overseas Filipino worker (OFWs).

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na ilulunsad na nila ngayon Hulyo ang tinatawag na OFW ID o iDole ID, na ipapalit sa kinasusuklaman ng mga OFW na overseas employment certificate o OEC.

Noon pa man, parang kontrabida na sa teleserye ang dating ng OEC para sa mga OFW dahil sa bukod sa pinapahirapan...

Read more: U_Spy: Mahalaga ang OFW ID kung libre

Drama lang ang peg

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Photo grabbed from www.tnp.phPhoto grabbed from www.tnp.ph

Natawa naman ako ng mabasa at mapanood ko ang balita ng ABS-CBN tungkol sa sinadyang pagtapon ng mga basura kaugnay sa Clean Up Drive sa Manila Bay nitong nakaraang Biyernes ng umaga na pinangunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada. Ang ginawa, sinadayang nagtapon ang grupo ng mga basura upang muling pulutin ang mga ito para sa publicity imbis na puntahan ang mga parte ng Manila Bay na marumi dahil sa nagkalat na mga basura, dalawang lalaki pa ang lumusong sa tubig para ikalat ang mga basura malapit sa bangka na alkalde. 

Aminado naman tayo mga ka-RNN na maganda rin naman...

Read more: Drama lang ang peg

U_Spy: Imbistiga muna, bago dada!

Written by Rey Marfil

Tulad ng mga napapanood nating drama at crime series sa telebisyon, parang nagkaroon ng “twist” o pihit sa istorya, o sa takbo ng imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpatay sa limang miyembro ng isang pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.

Matapos kasing pumasok na rin sa eksena ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation, aba’y biglang inihayag naman ng pulisya na isasama na rin nila sa imbestigasyon si Dexter Carlos Sr., ang padre de pamilya ng mga biktima.

Pero ang tanong siguro ng mga kuminaw sa labasan—bakit ngayon lang? Kasi naman mahigit dalawang linggo na mula nang mangyari ang krimen...

Read more: U_Spy: Imbistiga muna, bago dada!

Umaray pati ka-alyado

Written by Ressie S Fos | Romblon News

EMBATTLED COPS. Superintendent Marvin Marcos (2nd from left) with others tagged in the killing of Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr at the preliminary investigation into the criminal complaint against them at the Department of Justice on December 20, 2016. File photo by Ben Nabong/Rappler | Photo credit to Rappler - www.rappler.com EMBATTLED COPS. Superintendent Marvin Marcos (2nd from left) with others tagged in the killing of Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr at the preliminary investigation into the criminal complaint against them at the Department of Justice on December 20, 2016. File photo by Ben Nabong/Rappler | Photo credit to Rappler - www.rappler.com

Patok at trending na naman ang balita na lumabas kahapon (July 12) tungkol sa pag-utos ng Pangulong Duterte upang ibalik sa aktibong serbisyo si Superintendent Marvin Marcos at iba pang mga pulis na kasama nito na dawit kasong pagpaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa noong nakaraang taon. 

Ipinahayag ito ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa ginanap na 26th Anniversary ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Miyerkules. Dagdag pa ng Pangulo, kahit pa umano mahatulan si Marcos sa kasong murder ay ipa-pardon din nya ito. 

Dahil sa mga pahayag na ito ng Pangulo, marami na naman ang umaray. Syempre,...

Read more: Umaray pati ka-alyado