Opinion: Si Marcos at ang empanada

Written by Dr. Zandee Briones | Romblon News
  • Pinterest

Netong mga nagdaang araw, usap usapan ang pagbigay ng titulong bayani kay dating Pangulong Marcos. Hati ang pananaw ng bawat isa. Maraming mga kabataan ang nakibahagi sa mga kilos protesta at tunay nga ang kasabihang "ang kabataan ang pag asa ng bayan". Saludo ako sa mga kabataang nakikipaglaban para mabigyan ng boses ang mga nabiktima ng Batas Militar. Sa mga nasabing kilos protesta, nakaagaw pansin sa akin ang larawan ng isang babaeng may hawak na poster na may mensahing "No to Marcos, Yes to Empanada".

Turismo ng Ilocos Region

Ang mga probinsya sa Ilocos Region ay isa sa mga paboritong...

Read more: Opinion: Si Marcos at ang empanada

U_Spy: Awat muna, l

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Kaliwat kanan ang party ngayon. Panahon ng taon na ngangahulugan ng bonus para sa mga obrero at shopping naman ang katumbas nito para sa mga pamilyang umaasa sa kanila. Marami ang ikanga'y "awash with cash." Tuwang-tuwa naman ang mga negosyante dahil masigla ang kalakalan.

Ngunit sa kabilang banda, marami ding nangangailangan. Marami ang gagawa ng paraan, makasakit o maka-perwisyo man. Kaya't wag kaliligtaan ang halaga ng ibayong pag-iingat dahil hindi maiaalis ang pananamantala ng mga dorobo at yaong may isyu sa batas at lipunan.

Maraming kinakaharap na giyera ang pamahalaan. Ang mga kaaway na ito ang may motibasyong manamantala sa...

Read more: U_Spy: Awat muna, l

U_Spy: Maibaba kaya?

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Nagbubukas na ang mga merkado sa ibayong dagat para sa mga produkto ng bansa. Dahil sa kakaibang istilo ng bagong pamunuan sa pangangasiwa at sa ugnayang panlabas, nakakita ang bansa ng mga bagong kaibigang mapagbebentahan ng ating mga export partikular na ang produktong agrikultura - ang China at Russia.

Muli na namang umaakyat ang inilalabas nating saging sa China. Sa huling balita, unti-unti nang lumuluwag ang mga dating pinahigpit na regulasyon doon, lalung-lalo na sa quarantina at kalidad ng mga pumapasok sa kanilang produktong agrikultura.

Sa Pandesal Forum nakaraang Martes, masayang sinabi ni Russian Ambassador Igor Khovaev na "give us your...

Read more: U_Spy: Maibaba kaya?

U_Spy: Ang UK sa Pilipinas

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Parang apoy nang dumidila-dila sa singkwenta pesos ang halaga ng isang dolyar. Noong Biyernes, sumampa na nga ito sa P50 threshold ngunit matapos ang interbensyon sa merkado ay bumalik sa mas mababang halagang mahigit sa P49.00 kada pera ni Uncle Sam.

Nakita na ng ilang pantas ang ganitong senaryo ilang linggo pa lamang matapos mag-umpisang manungkulan ang bagong administrasyon. Resulta marahil ng mga pahayag ng bagong pangulo hinggil sa kanyang pagkiling sa ultra-protectionist policies at mga patakarang hindi sang-ayon sa makakanluraning mga bansa.

May mga nagsasabing artipisyal ang paggalaw ng halaga ng piso, maniobra umano ito ng mas malalaking estado...

Read more: U_Spy: Ang UK sa Pilipinas