U_Spy: Magbiro na sa lasing, wag lang sa asong kalye!

Written by Rey Marfil

Bukod sa mga lasing at mga buraot na alagad ni 'Taning' na mga isnatcher, holdaper at iba pa na naglipana sa mga kalye, ang mga asong gala ang dapat na katakutan at iwasan sa kalsada.

Bakit ba naman hindi, aba'y hindi biro ang masakmal ng asong gala dahil sa peligro na madale ka ng rabies. Bukod sa nakakatakot ang kinahihinatnan ng mga namatay sa rabies, masakit din sa bulsa ang magpabakuna ng pangontra sa rabies.

Sa 2020, inaasahan ng Department of Health na wala nang mabibiktima ng rabies sa bansa. Sa nakalipas kasing mga taon, nasa 100,000 katao ang ginagamot...

Read more: U_Spy: Magbiro na sa lasing, wag lang sa asong kalye!

U_Spy: Balik ang wang-wang!

Written by Rey Marfil

Wala naman sigurong kokontra kung sabihin ng ating kurimaw na isa sa mga legacy na iniwan ng administrasyon ni Noynoy Aquino ay ang desiplina at pagiging pantay-pantay ng mga motorista sa kalye…in short, ang pag-alis ng “wang-wang” mentality..

Iniutos ni PNoy sa kaniyang mga bantay na Presidential Security Group (PSG) na huwag gumamit ng “sirena” o wang-wang, at dapat huminto ang kaniyang convoy sa mga traffic light kapag naka-red ang signal.

Kung tutuusin, bilang pangulo, exempted si PNoy sa mga ganito dahil nga pangulo siya at para na rin sa kaniyang seguridad. Kaya nga maraming nagsabi na “security nightmare” o...

Read more: U_Spy: Balik ang wang-wang!

U_Spy: Martiallenials

Written by Rey Marfil

Mukhang nagiging exciting ang henerasyon ngayon ng mga kabataan na tinatawag na “millennials.” Maliban kasi na sa kanilang henerasyon naglalabasan ang mga modernong teknolohiya, aba’y muli ring napag-uusapan ang posibilidad ng pagkakaroon ng martial law sa buong bansa.

Sa ngayon, tiyak na ang mga tinatawag na “titos” at “titas” ang higit na interesado kapag napag-uusapan ang martial law na idineklara ng namayapang dating Pangulong Ferdinand Marcos noong September 21, 1972.

At dahil malapit na naman ang anibersaryo nito, malamang na marami na naman ang mangangaral sa mga kabataan ngayon na alamin at huwag kalimutan ang mga nangyari noon.

Ano nga...

Read more: U_Spy: Martiallenials

U_Spy: Ang mga pasaway ng bayan

Written by Rey Marfil

Nakakaalarma ang naglalabasang balita na tila dumadami ang mga kabataan na nasasangkot sa kalokohan; na kung hindi sila ang biktima eh sila ang nasa likod ng krimen.

Halimbawa nito ang nangyari sa magkaibigang Carl Angelo Arnaiz, 19 at Reynaldo 'Kulot' De Guzman, 14. Si Arnaiz, napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw matapos mangholdap sa Caloocan. Samantalang nakita naman na tadtad ng saksak sa dibdib si De Guzman.

Kung paniniwalaan ang bersyon ng mga pulis, hindi biktima kung hindi isang kriminal si Arnaiz. Pero kung ang kaniyang mga kaanak naman ang tatanungin at resulta ng re-autopsy ng Public Attorney's Office...

Read more: U_Spy: Ang mga pasaway ng bayan