U_Spy: Sumuka sa unli rice!

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Sadyang mahilig talaga mga tsong ang Pinoy sa kanin. Ito’y kahit pa may hindi magandang epekto sa kalusugan ng tao ang sobrang tsibog nito. Kaya naman hindi kataka-taka na kapag bigas ang pinag-usapan, talagang pag-uusapan.

Tulad na lang ng pagpuna ni senador Cynthia Villar sa “unlimited rice” promo sa mga kainan na pinutakti ng meme at batikos sa social media nang mapaulat na gusto raw nitong ipagbawal. Kasi nga naman, ang sobrang kain ng kanin ay maaaring magdulot ng karamdaman.

Kaya nga kung high blood ang isang tao o overweight, laging kasama sa payo ng duktor na magbawas sa kain...

Read more: U_Spy: Sumuka sa unli rice!

U_Spy: Mas mabilis magdaldal

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Nitong nakalipas na mga araw, dalawang matinding trahediya ang naganap sa bansa na mistulang pinalala pa ng ating mga opisyal dahil sa idinudulot nilang kalituhan sa publiko bunga ang mga pinagsasabi nila sa media kahit ‘di pa tapos ang eksena.

Gaya na lang ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan at mga teroristang grupo sa Marawi City na hindi mo na malaman kung ang kalaban ba ay Maute Group, Abu Sayyaf Group o kung anu-ano pang grupo.

Sa simula kasi ng bakbakan, todo depensa agad ang militar na hindi raw sumalakay ang Maute sa Marawi kung hindi umayuda lang sa darakpin...

Read more: U_Spy: Mas mabilis magdaldal

Malaya nga ba?

Written by Ressie Fos
  • Pinterest

Photo: www.askideas.comPhoto: www.askideas.com

Matapos ang sangdaan at labing-siyam na taon (119) matapos madeklara ang kasarinlan ng Pilipinas, patuloy pa ring ginugunita at ipinagdiriwang natin ang kasarinlan at kalayaang ito mula sa kamay at pamamahala ng mga dayuhan.

Wala namang duda, totoong namuhay tayo sa kalayaan at esensiya ng demokrasya. Sabi pa nga ng iba, ‘sobrang laya’ nating mga Pilipino upang gawin ang mga bagay-bagay, mabuti man ito o masama sa kapwa.

Tumayo at lumakad ang ating bansa na malaya at may sariling gobyerno. Maraming mga pangulo na rin ang humawak at namahala sa bansa. Iba’t ibang kasaysayan na ang naitala. Kasabay nito ang...

Read more: Malaya nga ba?

U_Spy: Epekto ng Sugal

Written by Rey Marfil
  • Pinterest

Kinakabayo ng karahasan ang bansa natin nitong mga nakaraang linggo mga tsong. Hindi pa man natatapos ang sakit ng ulo sa mga bandidong Maute sa Marawi, may nag-ala-Rambo namang adik sa sugal sa casino sa Resorts World Manila na nakapatay ng mahigit 30 katao.

At matapos ang napakaraming espekulasyon at kung anu-anong conspiracy theory, lumitaw na ang salarin ay hindi ISIS o kahit man lang yata fan nila, kung hindi isang lulong daw sa sugal sa casino na si Jessie Carlos, dating empleyado ng Department of Finance.

Pero huwag nating sisihin mga tol kung may mga nag-ulat na baka “ISIS”...

Read more: U_Spy: Epekto ng Sugal