P3M+ Cash grant awarded to 6 Association/Organization in Tablas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Aabot sa P3,055,846 halaga ng pera ang pinagkaloob ng Department of Labor and Employment sa anim (6) na Organisasyon/Asosasyon na matatagpuan sa bayan ng Alcantara at Odiongan sa Tablas Island, Romblon.

Ipinagkaloob ang grant nitogn Lunes ng umaga sa Odiongan, Romblon habang ginaganap ang 'Trabaho Negosyo Kabuhayan' ng Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni DOLE Regional Director Atty Alvin Villamor na sana magamit sa tama ang pera at marami pa umanong programa ang Department of Labor and Employment para sa mga taga-MIMAROPA.

Kabilang sa mga nabigyan ng cash grant ay ang Saginyogan Association sa Alcantara; Samahan ng Nagkakaisang Kasapi ng Barangay, Sigcop Solar Association, Odiongan Tri-bike Operators and Drivers Association, Odiongan National HIgh School Parents-Teacher Assocation, at Odiongan Massage and Beauty Care Association, pawang mga galing ng Odiongan, Romblon.

Nagpasalamat naman si Mayor Trina Firmalo-Fabic sa Department of Labor and Employment dahil sa grant na ito. Malaking tulong umano ito sa mga residente ng Odiongan dahil magkakaroon sila ng pagkakakitaan.