Alcantara National High School, kampiyon sa Drums and Lyre Competition

Written by Chelsea Lilang | Romblon News

Bilang bahagi ng MIMAROPA Festival 2017 na ginanaganap sa Odiongan, Romblon ngayong November 20 hanggang 25 ay nagsagawa ng patimpalak ang mga organizers ng event kung saan naglaban-laban ang iba't ibang schools para sa Drums and Lyre Competition.

Ang nasabing kompetisyon ay pinangunahan nina Mary Jane Arboleda ng Social ad Culture Affairs ng Romblon State University at ni Liza Gacu. Ito ay nilahukan ng limang (5) delegado mula sa probinsya ng Romblon.

Sinimulang ipinakita ng Romblon National High School  ang presentasyon, na sinundan ng Looc National high School, Odiongan National High School, Don Carlos San Fernando High School at ang di pahuhuling Alcantara National High School.

Itinanghal na kampiyon ang Alcantara National High School habang nasungkit ng Looc National High School ang ikalawang pwesto. Nasa ikatatlong pwesto naman ang Odiongan National HIgh School.

Sa pangkahalatan, nag-enjoy naman ang mga manonood na dumayo pa ng Odiongan para saksihan ang nasabing katungalian.