FYI: Road closures, rerouting in Odiongan during MIMAROPA Festival 2017

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Apat na beses na isasara ang mga kalsada sa Odiongan, Romblon sa susunod na Linggo.

Ayon sa Road Network na napagkasunduan sa coordination meeting kahapon sa Legislative Building, isasara ang major roads sa bayan sa mga sumusunod na araw:

Monday, November 20: mula 6:30am hanggang 9:30am at 1:30PM hanggang 4:00PM
Tuesday, November 21: mula 2:30PM hanggang 5PM
Wednesday, November 22: mula 1:30PM hanggang 5PM

Inaasahang sa nasabing oras ay gagamitin ng mga participants ang majors roads paikot ng sentro ng Odiongan.

Pwede naman umanong dumaan ang mga maiipit na sasakyan sa Special Gates na dadaan sa Sitio Torrel, Barangay Dapawan, sa Barangay Ligaya, at Tabin-Dagat.

Ipapatupad naman sa lahat ng kalsada sa Odiongan maliban sa National Road ang One-way policy lalo na sa General Luna St. na tanging patungong South lang pwede daanan habang ang JP Laurel St. naman ay patungong Norte lang ang daan.