#WalangPasok: September 21, 2017 is National Day of Protest

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Inanunsyo ng Malacañang ngayong Martes na walang pasok ang lahat empleyado ng government offices at klase sa lahat ng Public Schools sa buong bansa sa araw ng Huwebes, September 21.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, maglalabas ang Malacañang ng memorandum circular sa mga susunod na oras na magsususpinde ng pasok sa mga government offices, lokal man at national, ganun na rin sa klase sa lahat ng public schools, state colleges, at universities sa buong bansa.

Ang pagsuspinde ng pasok ay dahil sa National Day of Protest na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Pahayag ng Pangulo, “I have declared it as a day of protest. Lahat ng gustong mag-protesta laban sa gobyerno, pulis o military, magbabaan kayo dyan."