Single Driver, nakuhaan ng shabu sa Odiongan kanina

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 16 September 2015

Inaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, Philippine Drug Enformencement Agency o PDEA, Provincial Intelligence Branch, at ng PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force ang isang lalake na diumanoy naglabag sa Republic Act 9165.

Ayon sa Police Report ng Odiongan Municipal Police Station, umaga ng September 16, ng mahuli si Ronald Perez o alyas Jackson, 42 years old, sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.

Si alyas Jackson ay residente ng Barangay Canduyong, Odiongan, Romblon.

Nakuha sa suspek ang isang selyadong plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu, isang lighter, at...

Read more: Single Driver, nakuhaan ng shabu sa Odiongan kanina

Romblon Provincial Hospital, mayroon ng bagong Portable Slit Lamp Microscope

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Tuesday, 15 September 2015

Pinasasalamatan ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng nagbigay ng kanilang donasyon upang makabili ng Portable Slit Lamp Microscope na ipinagkaloob sa Romblon Provincial Hospital (RPH).

Ang naturang medical equipment ay nabili ng Romblon provincial government dahil sa tulong ng mga taga-Romblon na nagtatrabaho sa ibang bansa at maging yaong mga naninirahan sa kamaynilaan na boluntaryong nagbigay ng kanilang kontribusyon.

Sa kasalukuyan ay ginagamit na ito upang masuri ang mga mayroong kapansanan sa paningin lalo na ang mga sanggol, nakatatanda at mga nakaratay sa banig ng karamdaman na nakakaranas ng panlalabo...

Read more: Romblon Provincial Hospital, mayroon ng bagong Portable Slit Lamp Microscope

P120,000 halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust operation ng PNP sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 15 September 2015

Tiklo sa kamay ng kapulisan sa Odiongan, Romblon si Reynante Galiga alyas Eliw, 38 taong gulang, residente ng Barangay Tubigon ng bayan ng Ferrol, matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Alvimar Flores at ng mga tauhan ng PDEA kaninang hapon.

Nahuli si Eliw sa Sitio Bating, Barangay Anahao, Odiongn, Romblon pasado 1:30 ng hapon kanina.

Nakuha kay alyas Eliw ang walong piraso na silyadong sachet na hinihinalang may laman na crystaline substance o shabu at isang color yellow lighter. Nakuha...

Read more: P120,000 halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust operation ng PNP sa Odiongan

Tricycle at driver na nakasagi sa isang kotse sa Barangay Poctoy kanina, pinaghahanap parin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 12 September 2015

Patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang driver ng isang 'garung' o tricycle na nakasagi sa isang kotse kaninang umaga sa Barangay Poctoy sa Odiongan, Romblon.

Ayon sa kwento ng mga nakasaksi, mabagal umano ang patakbo ng nasabing kotse nang bigla umanong dumating ang 'garung' at sumagi sa sasakyan.

Nawasak naman ang ilang salamin ng kotse dahil sa aksidente.

Sa litrato na kuha ni Mr. Andrew Famero na ibinahagi sa Romblon News, makikita ang ilang basag na salamin na nagkalat sa kalsada dahil sa aksidente.

Matagal ng problema sa bayan ang mga...

Read more: Tricycle at driver na nakasagi sa isang kotse sa Barangay Poctoy kanina, pinaghahanap parin