Chief Inspector Donald Rodriguez, bagong Provincial Fire Marshall ng BFP

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

FILE PHOTO. Sunog sa isang bahay sa Odiongan ngayong 2016.FILE PHOTO. Sunog sa isang bahay sa Odiongan ngayong 2016.

Umupo na bilang bagong Provincial Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection Romblon (BFP-Romblon) si Chief Inspector Donald P. Rodriguez.

Pinalitan ni Chief Inspector Rodriguez si SFO4 Rizal M. Mindoro.

Ayon sa report ni Dennis Manzo ng Philippine Information Agency, si Chief Inspector Rodriguez ay tubong Palawan at matagal ring nanilbihan bilang City Fire Marshall ng Puerto Princesa City.

 

...

Masamang panahon, patuloy na naranasan sa Santa Maria

Written by Renand Pastor | Romblon News

Patuloy na nakaranas ng masamang panahon ang bayan ng Santa Maria ngayong araw.

Pasado alas-6 ng gabi ng muling mag-simula muli ang malakas na pag-uulan at halos isang oras nagtagal.

Patuloy namang stranded ang mga bangka sa mga pantalan sa Calatrava, Corcuera, Sibuyan Island, San Jose at Romblon, Romblon dahil sa nakataas na Gale Warning sa Southern Luzon.

Sa bayan ng Concepcion, kanselado rin ang biyahe ng mga bangka patungong Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Pabugso-bugso rin ang nararanasang pag-uulan sa lugar.

...

PNB already doing their best to resolve compromised ATM

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

FILE PHOTO. Automated Teller Machine.FILE PHOTO. Automated Teller Machine.

Ginagawan na umano ng paraan ng Philippine National Bank ang kanilang automated teller machine o ATM sa bayan ng Romblon, Romblon matapos maraming nag reklamong mga gumamit nito na di umanoy nanakawan ng pera ang mga inilagay nilang ATM Cards.

Sa text message ni Alvin Lista ng PNB Group na nakakasakop sa PNB Romblon Branch, dalawa nalang sa 14 na ATM Card holders ang hindi nila naayos ang problema sa kanilang atm cards.

Sa post sa Facebook ni Roberto Madera, isang empleyado ng Provincial Government at dating nag tatrabaho sa bank, sinabi umano ni Lista na sa mga susunod na...

Read more: PNB already doing their best to resolve compromised ATM

Kauna-unahang Remittance Center sa Santa Maria, bukas na

Written by Steph Fajutag | Romblon News

Nagbukas na ngayong araw, August 09, ang kauna-unahang remittance at bills and payment center sa bayan ng Santa Maria.

Sa Expresspay Bayad Center, maari ng magpadala ang mga abroad sa pamamagitan ng i-remit service ng nasabing remittance center o kung domestic naman maaring ma claim ang mga padala sa Mlhuilier sa lugar o di kaya padala sa pamamagitan ng Smart Padala.

Pwede na ring magbayad sa nasabing center ng mga bills ng Smart, Globe, Cignal o di kaya ng SSS at marami pa.

Maari na ring makabili ng ticket ng 2Go Travel o di kaya Philippine Airlines at iba pang...

Read more: Kauna-unahang Remittance Center sa Santa Maria, bukas na