Mga nagsisiuwian sa Simara ngayong bakasyon, dumarami na

Written by Neonilo Ferriol | Romblon News
  • Pinterest

Nagsisimula ng dumami ang mga nagsisiuwian sa bayan ng Corcuera sa Isla ng Simara para doon sulitin ang bakasyon.

Ilan sa mga nagsisiuwian ay mga dadalo sa Fiesta ng bayan ng Corcuera at ang iba naman ay dadalo sa Grand Alumni Homecoming ng Mabini National High School at Corcuera National High School.

Iniimbetahan naman ni Mayor Rachel Bañares ang mga gustong bumisita ng Corcuera na manood ng mga programa sa Corcuera Covered Court sa April 27 kung saan mag peperform ang iba't ibang banda galing Manila.

...

Malimit na brownout, inirereklamo ng mga residente ng Sibuyan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Inirereklamo ng ilang mga consumer ng Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) sa tatlong bayan sa Sibuyan Island ang malimit umanong power interruption o biglaang brownout sa kanilang lugar magmula pa nitong unang araw ng Abril.

Ayon sa ilang residenteng nakausap ng Romblon News Network, minsan umano ay halos sunod-sunod na brownout ang kanilang nararanasan at umaabot pa ng halos 5 beses kada araw.

Magiging dahilan umano ang malimit na brownout ng maaring pagkasira ng kanilang mga appliances katulad ng mga refregirators.

Ayon naman kay Engr. Roy Rada, Operation Manager ng Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) sa Sibuyan, mga fault lines...

Read more: Malimit na brownout, inirereklamo ng mga residente ng Sibuyan

Mga migratory birds na Tagak sa Odiongan, dumarami ang populasyon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy of Aly Khan Fernandez Jr.Photo Courtesy of Aly Khan Fernandez Jr.

Aabot sa isang libong migratory birds na egret o tagak ang kasalukuyang naninirahan sa isang bakawan sa Barangay Budiong, Odiongan, Romblon.

Nakunan ang mga tagak ng isang pambiharang drone video nitong araw ng Easter Sunday.

Ayon kay Engr. Raymund Inocencio ng Department of Environment and Natural Resources, kapag hapon umano pagdating ng alas-5 pumupunta ang mga tagak sa bakawan para magpalipas ng gabi pag dating naman umano ng umaga pumupunta ang mga tagak sa iba't ibang bukirin sa Romblon para maghanap ng pagkain.

Sinabi rin ni Inocencio na year round naman umano nandito ang mga tagak, matagal na umano silang...

Read more: Mga migratory birds na Tagak sa Odiongan, dumarami ang populasyon

World War II Memorial Monument and Marker, inilagay sa bayan ng Banton

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Nitong April 16, pormal nang binuksan sa publiko ang World War II Memorial Monument and Marker na matatagpuan sa bayan ng Banton sa Romblon.

Ang unveiling ceremony ng nasabing marker ay bahagi ng ika-395 founding anniversary ng nasabing bayan.

Dumalo sa selebrasyon ang ilang pamilya ng mga mandirigma noong panahon ng World War II, mga tauhan ng Local Government Unit, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, mga bisita, at mga barangay opisyal.

Nag-alay rin ng bulaklak ang mga taga-Banton sa pangunguna ni Dating Mayor Joseph Faderanga at 21 gun salute naman ng Banton Municipal Police Station sa pangunguna ni Police...

Read more: World War II Memorial Monument and Marker, inilagay sa bayan ng Banton