Gabay sa presyo ng gamit pang-eskwela, inilabas ng DTI Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Ang Department of Trade and Industry (DTI) - Romblon ay naglabas ng 'Gabay sa Presyo ng School Supplies' upang maging batayan ng mga consumers at mga magulang sa pamimili ng gamit pang-eskwela para sa kanilang mga anak.

Dito makikita ang Suggested Retail Price (SRP), ang halaga ng iba't ibang mga kagamitan na kailangan bilihin sa mababa at tamang presyo ganundin ang mga brand ng bawat produkto at bilang ng mga pahina ng papel katulad ng notebook.

Sinabi ni Orville F. Mallorca, caretaker ng DTI-Romblon, na kanilang inilabas ang SRP upang maging basehan o gabay ng mga mamimili sa kanilang pagbili ng...

Read more: Gabay sa presyo ng gamit pang-eskwela, inilabas ng DTI Romblon

Konstruksyon ng vegetable market sa bayan ng San Agustin, sinimulan na

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Sinisimulan na ang konstruksiyon ng bagong Vegetable Market ng bayan ng San Agustin na nagkakahalaga ng mahigit Php2 milyon mula sa pondo ng lokal na pamahalaan.

Matapos isinagawa ang groundbreaking noong unang lingo ng Mayo ay agad sinimulan ang konstruksiyon nito at inaasahang matatapos ito sa unang quarter ng susunod na taon.

Ayon kay Mario Mancuyas, municipal information officer, ang itinatayong gusali ay matatagpuan sa Bgy. Poblacion ng nasabing bayan kung saan madali itong makita at mapuntahan ng mga mamimili.

Ang San Agustin Vegetable Market ay pinondohan ng P2,355,696.80 ng kasalukuyang administrasyon na naglalayong mapaluwag at mapaganda ang dating anyo...

Read more: Konstruksyon ng vegetable market sa bayan ng San Agustin, sinimulan na

Organikong paraan ng pag-aalaga ng baboy, isinagawa sa Odiongan

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Ang Agricultural Training institute (ATI) – Mimaropa, sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Agriculturist ay nagsagawa ng libreng pagsasanay sa pag-aalaga ng baboy sa organikong paraan para sa mga agricultural extension workers (AEWs).

Ang tatlong-araw na 'Training on Livestock Production: The Organic Way' ay ginanap sa Haliwood Inn sa bayan ng Odiongan noong isang linggo na dinaluhan ng mahigit 40 nagaalaga ng baboy mula sa bayan ng Romblon, Looc, San Agustin, Odiongan at Calatrava.

Ang pagsasanay ay pinangunahan nina Project Manager Manilyn M. Tejada at Assistant Project Manager Angelica P. Pelaez ng ATI Mimaropa sa tulong ng kanilang resource...

Read more: Organikong paraan ng pag-aalaga ng baboy, isinagawa sa Odiongan

Pagproseso ng professional licenses at BLEPT application, isasagawa ng PRC sa Odiongan

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Tutungo ngayong Hunyo sa Odiongan, Romblon ang mga kawani ng Professional Regulation Commission (PRC) upang irehistro ang mga bagong professionals at pagpapanibago (renewal) ng mga lisensya ng mga dati nang professionals.

Tatanggapin din ng PRC ang aplikasyon ng mga nagtapos ng kurso sa pagtuturo na nais kumuha ng September 2017 Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT).

Ang napipintong pagdating ng PRC sa Romblon ay bilang tugon sa kahilingan ng tanggapan ng gobernador at Public Employment Service Office na maghatid ng mobile services sa lalawigan sa Hunyo 23-26 na gaganapin sa Romblon State University (main campus).

Nanawagan si PESO Provincial...

Read more: Pagproseso ng professional licenses at BLEPT application, isasagawa ng PRC sa Odiongan