DTI: Hindi sakop ng ahensya ang pagmonitor sa presyo ng mga isda

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Hindi sa Department of Trade and Industry kundi sa Department of Agriculture ang responsibilidad na magbantay sa presyo ng mga ibinibentang isda at iba pang fresh marine products sa palengke.

Ito ang ipinunto ni Department of Trade and Industry - Romblon (DTI-Romblon) Provincial Caretaker Orville F. Mallorca sa ginanap na Committee Meeting ng Committee on Tourism, Trade and Industry ngayong araw, August 10, sa Session Hall ng New Legislative Building, Odiongan.

Ayon kay Mallorca, nakasaad umano ito sa Republic Act 7851 o mas kilalang The Price Act.

Ang pwede umanong bantayan ng DTI na mga produkto ay mga processed products katulad ng...

Read more: DTI: Hindi sakop ng ahensya ang pagmonitor sa presyo ng mga isda

Odiongan Councils to post tariff inside Licensed Motorized Tricycle

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Para hindi na mahirapan ang mga commuters at para hindi na rin makapagsamantala ang ilang colorum na tricycle kaugnay sa pamasahe ay pinaplano ng Sangguniang Bayan ng Odiongan na maglalagay ng poster o sticker sa loob ng sidecar ng mga tricycle na kung saan may nakasaad kung magkano ang taripa o fare matrix.

Ito ang napag-usapan sa ginawang committee meeting sa Session Hall ng Odiongan Legeslative Building ngayong araw, August 10.

Nasa pagpupulong ang mga opisyal ng iba't ibang grupo ng Tricycle Operators and Drivers' Association (TODA) na meron sa buong bayan ng Odiongan. Dumalo rin sa pagpupulong si Mayor Trina...

Read more: Odiongan Councils to post tariff inside Licensed Motorized Tricycle

'Hollywood' inspired San Agustin Sign to rise in Nabujos Peak

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Image Screengrab: Facebook/USWAG San AgustinImage Screengrab: Facebook/USWAG San Agustin

Ngayong Agosto, sisimulan ng itayo o ilagay sa Nabujos Peak sa Sitio Nabujos, Brgy. Cagboaya sa bayan ng San Agustin, Romblon ang kanilang 'Hollywood' inspired San Agustin Sign.

Inaasahang matatanaw ang San Agustin Sign sa sentro ng San Agustin lalo na sa pantalan.

Mas tanaw ang nasabing San Agustin Sign lalo na sa mga bangka o barkong papadaong palamang sa pantalan.

Ayon kay Jay Magracia, isa sa mga nakaakyat na sa nasabing peak, halos may 300 meters above sea level ang taas nito.

...

Odiongan PNP Chief, nagsagawa ng surprise drug test sa mga personnel

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Sinurpresa ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ang mga personnel ng Odiongan Municipal Police Station ngayong umaga ng isang drug testing activity.

Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. hepe ng Odiongan PNP, bahagi ito ng internal cleansing na ginagawa ng Philippine National Police para matanggal sa trabaho ang mga pulis na gumagamit ng iligal na droga.

Ang drug test ay pinangunahan ni PSI Hernandez na inasikaso naman ng mga tauhan ng PNP Crime Laboratory.

Sa 43 tauhan ng Odiongan Municipal Police Station kasama ang mga Non-Uniformed Personnel (NUP), 42 rito ay sumailalim sa drug test habang ang isa...

Read more: Odiongan PNP Chief, nagsagawa ng surprise drug test sa mga personnel