New vessel may transit passengers from Batangas to Sibuyan on 2018

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

FILE. Starhorse M/V Virgin Penafrancia VII at San Agustin PortFILE. Starhorse M/V Virgin Penafrancia VII at San Agustin Port

Posibleng bumiyahe ngayong 2018 sa rutang Batangas - Odiongan - Romblon - Sibuyan at pabalik ang isa sa mga barko ng Starhorse Shipping Lines Inc. ayon kay Governor Eduardo Firmalo nang ekslusibong makapanayam ng Romblon News Network nitong weekend.

Sinabi ni Firmalo na nagpaalam na sakanila ang pamunuan ng Starhorse Shipping Lines at ito ay kung sakaling matuloy ang pagbili ng bagong barko ng nasabing shipping lines.

"Ang pinalapalakas kasi natin yung transportasyon, para mabilis sa biyahe ang mga turista at produkto, mabilis ang paglago ng mga isla ng Romblon," ayon kay Firmalo.

Sa ngayon, tanging Lucena - Marinduque - Banton - San Agustin - Romblon - Sibuyan at...

Read more: New vessel may transit passengers from Batangas to Sibuyan on 2018

Cajidiocan Councilor express dismay on 'not enough support of the Province' for the Provincial Athletic Meet

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naglabas ng saloobin si Cajidiocan Councilor Marvin Greggy Ramos, kasalukuyang Chairman ng Committee on Sports, sa Facebook kaugnay sa di-umanoy kulang na suporta ng Provincial Government sa Munisipyo ng Cajidiocan na magho-host ng Provincial Athletic Meet 2017 ngayong Disyembre 10 hanggang 16.

Tanong ni Ramos sa kanyang Facebook Post, nasaan umano ang suporta at tulong ng probinsya ng Romblon?

Sa panayam ng Romblon News Network kay SB Ramos, sinabi nito na hiling lang umano nila [kasama ang mga guro, barangay officials, at lgu officials] sa probinsya ay ang maipaayos sana ang mga sports facilities ng bayan katulad ng Volleyball Court...

Read more: Cajidiocan Councilor express dismay on 'not enough support of the Province' for the Provincial...

Councilors object upcoming STL Operation in Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Odiongan nitong nakaraang araw na kumukontra sa nakaambang operasyon ng Small Town Lottery ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa kanilang nasasakupan.

Ang nasabing resolusyon ay ipinanukala ni Sangguniang Bayan Member Rollie Lachica na sinupurtahan naman ng lahat ng Sangguniang Bayan Members.

Ayon kay Vice Mayor Mark Anthony Reyes, magsasagawa sila ng Signature Campaign sa Lunes laban sa nakaambang operasyon ng Small Town Lottery.

Hiling naman ni Vice Mayor Reyes na magkaisa sana ang mga taga-Odiongan na kontrahin ang pagsisimulang pag operate ng STL sa Odiongan kagaya ng ginawa sa pag-kontra sa pagmimina.

Nagpahayag naman...

Read more: Councilors object upcoming STL Operation in Odiongan

2 mangingisdang galing Antique, stranded sa baybayin ng Alcantara

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Dalawang mangingisdang galing Antique ang na-stranded sa baybayin ng Alcantara, Romblon matapos na mawalan ng gasulina ang kanilang pumpboat na sinasakyan.

Kinilala ang dalawang mangingisda na sina Clarito Saniosa, 24 taon gulang at Roldan Marcelino, 26 taon gulang, pawang residente ng Barangay May Bato Sur, San Jose, Antique.

Dumaong sa dalampasigan ng Brgy. Calagonsao sa bayan ng Alcantara ang dalawang mangingisda bago mag alas-6 kagaibi, December 1, 2017.

Ayon sa panayam ng mga opisyales ng barangay, nahiwalay umano ang dalawang mangingisda sa ibang kasama matapos silang maubusan ng krudo kaya napagdesisyunan na lamang nilang dalawa na isagwan kung saan ang...

Read more: 2 mangingisdang galing Antique, stranded sa baybayin ng Alcantara