Lalaking naliligo sa Mablaran Falls, patay matapos malunod

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Patay na ng lumutang sa pinag papaliguang falls sa bayan ng San Andres, Romblon ang isang lalakeng nagbabakasyon sa lugar kasama ang pamilya nito.

Kinilala ang lalake na si Joel Bisnar, 20-tanong gulang, residente ng Barangay Agpudlos, san Andres, Romblon.

Nangyari ang aksidente mag aalas-4 kahapon ng hapon sa sikat na pasyalan sa Romblon na 'Mablaran Falls'.

Ayon kay Jabez Gadon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa San Andres, lasing umano si Bisnar ng tumalon sa malalim na bahagi ng falls, lumutang pa umano siya ngunit sumisisid rin uli. Dumaan na umano ang ilang minuto pero di...

Read more: Lalaking naliligo sa Mablaran Falls, patay matapos malunod

Mga empleyado ng Provincial Government, walang pasok ngayong hapon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Bilang bahagi ng paggunita ng lenten season, idineklara ni Governor Eduardo Firmalo ng Romblon na kanselado ngayong hapon ang pasok ng lahat ng officials at empleyado ng provincial government.

Sa memorandum na nilabas ng Office of the Governor, sinabi na para umano mabigyan ng pagkakataon na makauwi ang mga empleyado sa mga maliit na isla ng Romblon.

"Wednesday (aftenoon only) of April 12, 2017 is hereby decleared as a special non-working holiday," ayon sa bahagi ng memorandum.

Sa Odiongan, Romblon; wala na rin umanong pasok ngayong hapon ang Local Government Unit ng Odiongan.

Ayon sa ulat na natanggap ng Romblon...

Read more: Mga empleyado ng Provincial Government, walang pasok ngayong hapon

Mahigit 300 pasahero ng barko patungong Batangas, halos 10 oras na stranded

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Na-stranded nitong Lunes ang mahigit 300 pasahero ng barkong M/V Maria Xenia ng Montenegro Shipping Lines sa Poctoy Port sa Odiongan, Romblon matapos masiraan umano ang barko.

Aalis sana ang barko alas-5 hapon patungong Batangas ngunit pinababa ang mga pasaherong nakasakay rito dahil may sira umano ang makina ng barko.

Nagpalipas ng halos sampung oras ang mga pasahero ng nasabing barko hanggang sa dumating ang kapalit na barko mag-aalas 3 kahapon ng madaling araw.

Ang mga pasahero ay mga magbabakasyon sana ngayong Semana Santa.

Patuloy naman ang paghihigpit ng kapulisan sa Romblon at ng Philippine Coast Guard Romblon sa siguridad...

Read more: Mahigit 300 pasahero ng barko patungong Batangas, halos 10 oras na stranded

Romblon, handa na para sa seguridad sa Mahal na Araw

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Handa na ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan sa pagbibigay seguridad sa mga mananampalatayang Katoliko at mga daragsang turista sa probinsiya upang siguruhin ang kaligtasan ng mga ito ngayong Semana Santa.

Inilatag na ng Romblon Police Provincial Office (RPPO), Land Transportation Authority (LTO), Philippine Coast Guard (PCG), PNP Highway Patrol Group (PNP-HPG) at iba pang line agencies ang road safety campaign nito bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Layunin nito na tiyaking ligtas at maginhawa ang pagbiyahe ng mga commuters o bakasyonista na dadagsa sa mga pier at passenger terminal upang magbakasyon ngayong panahon ng kwaresma.

Tiniyak ng...

Read more: Romblon, handa na para sa seguridad sa Mahal na Araw