Magnitude 7 na lindol, maaring tumama sa Romblon dahil sa Tablas Fault - expert

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Magnitude 6 hanggang Magnitude 7, yan ang pinakamalakas na lindol na maaring tumama sa Romblon kung sakaling gumalaw ang Tablas Fault na matatagpuan sa silangang bahagi ng Tablas Island.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum Jr., matagal na taon na umano ng may maitalang malakas na pagyanig sa Romblon na sanhi ng Tablas Fault.

"Yung Tablas Fault, huling gumalaw yan ng malakas noong Grade 2 ako, so..tinatanong natin yan, kaya niya ng mga Magnitude 6, pwede ngang mga Magnitude 7 ," ayon kay Dir. Solidum.

Ayon kay Dir. Solidum, matatagpuan ang Tablas Fault sa gilid...

Read more: Magnitude 7 na lindol, maaring tumama sa Romblon dahil sa Tablas Fault - expert

Free Wifi sa mga pampublikong lugar sa Romblon, asahan bago matapos ang taon -- DICT

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Asahan na bago matapos ang taong 2017 ay magkaroon ng libreng wifi sa lahat ng munisipyo sa Romblon, ayon kay Director Reynaldo Sy ng Field Operations Office – Luzon Cluster 3 ng Department of Information and Communications Technology o DICT.

Nabanggit ito ni Dir. Sy sa ginanap na Press Conference sa launching ng MIMAROPA Stars Vol. 3 at Presentation ng ICT Roadmap for MIMAROPA sa Virginia Centurione Bracelli School sa Odiongan, Romblon nitong August 15, 2017.

Ayon kay Sy, may anim na munisipyo sa Romblon ang sinubukan ang free wifi ngunit nag failed ang test nila dahil sa imbes na 8mbps ang...

Read more: Free Wifi sa mga pampublikong lugar sa Romblon, asahan bago matapos ang taon -- DICT

Lalaking wanted sa kasong murder sa San Jose, Romblon; arestado sa Palawan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Arestado kaninang umaga sa Barangay Isaub, Aborlan, Palawan ang 59-taong gulang na lalaking wanted sa kasong murder sa bayan ng San Jose, Romblon.

Naaresto si Juan Brigido San Sebastian ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Palawan at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Romblon sa pangunguna nina PCI Joel Custodio, at SPO4 Henry Castroverde kasama sina PO3 Juanito Mayuga Jr ng RID MIMAROPA, SPO2 Allan Fruelda ng PIB Romblon.

Inaresto ang suspek sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82, Odiongan, Romblon.

Hawak na ang suspek ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)...

Read more: Lalaking wanted sa kasong murder sa San Jose, Romblon; arestado sa Palawan

Halos lahat ng bayan sa Tablas Island, nakakaranas ng blackout

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Dahil sa pagkasira ng tatlong makina sa planta ng Sunwest Water and Electric Co., Inc. (SUWECO), kasalukuyang nakakaranas ng power interruption ang halos lahat ng bayan sa Tablas Island, Romblon simula kaninang ala-una ng hapon.

Ayon sa Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO), ang mga lugar na apektado ay ang mga bayan ng Alcantara, Looc, ilang barangay sa Odiongan, buong bayan ng San Andres, Calatrava, at San Agustin. Maibabalik ang kuryente sa mga nabanggit na lugar mamayang hating gabi.

Habang ang kuryente sa mga lugar naman ng Sta. Maria, hanggang Barangay Sawang sa San Agustin at Poblacion, Sta. Maria hanggang Barangay Lawan, Alcantara...

Read more: Halos lahat ng bayan sa Tablas Island, nakakaranas ng blackout