DepEd Romblon, nangangailangan ng mahigit 200 guro

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Sunday, 07 February 2016

Nangangailangan ang Department of Education (DepEd) Romblon ng mahigit 200 guro para sa pampublikong elementarya at high school sa darating na school year 2016-2017.

Sinabi ni OIC-Schools Division Superintendent Roger F. Capa na hinihintay na lamang ng ng kanilang tanggapan ang hiring guidelines mula sa Central Office ng Kagawaran ng Edukasyon.

Aniya, ang mahigit 200 guro na kanilang iha-hire ay magtuturo sa senior high school ngayong darating na Hunyo. Ang isang kwalipikadong aplikante ay kinakailngang may field of specialization, mayroong master’s degree at para sa mga magtuturo ng Techvoc ay...

Read more: DepEd Romblon, nangangailangan ng mahigit 200 guro

DILG 4B, nagsagawa ng oryentasyon para sa implementasyon ng BuB projects

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Sunday, 07 February 2016

Tinipon kamakailan ng Department of Interior and Local Government (DILG) MiMaRoPa ang lahat ng ng miyembro ng Local Poverty Reduction Action Team (LPRAT) sa buong lalawigan upang isailalim ang mga ito sa oryentasyon hinggil sa wastong implementasyon ng Bottom Up Budgeting Projects sa 2017.

Layunin ng nasabing aktibidad na bigyang kakayahan ang mga lokal na pamahalaan sa paghahanda ng mga panukalang proyekto na akma sa pangangailangan ng kanilang mga bayan upang lalong mapadali ang pagpoproseso at paglalaan ng pondo sa ilalim ng BuB.

Sinabi ni DILG Provincial Director Juanito Olave...

Read more: DILG 4B, nagsagawa ng oryentasyon para sa implementasyon ng BuB projects

Lumang kubo katabi ng San Fernando MPS sa Sibuyan, nasunog

Written by Dash Andres

by Dash Andres, Romblon News | Friday, 05 February 2016

Mahigit isang oras tinupok nang nag-ngangalit na apoy ang isang kubo na katabi ng San Fernando Municipal Police Station pasado ala-una ngayong madaling araw.

Ang nasabing kubo ay ginawang opisina ng San Fernando MPS noong hindi pa natatapos ang kanilang bagong estasyon.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Romblon News, wala naman umanong gamit o laman ang nasabing kubo.

Wala namang nasaktan sa nangyaring aksidente.

Patuloy pa na inaalam ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan nang nasabing sunog.

...

Tatlo sugatan sa salpukan ng motorsiklo sa Barangay Liwanag, Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 05 February 2016

Photo Courtesy: Florentino Gan Jr.

Tatlo ang sugatan sa nangyaring salpukan ng dalawang motorsiklo pasado alas-2 ng hapon kahapon, February 04, sa Barangay Liwanag sa bayan ng Odiongan.

Nakilala ang tatlo na sina Edgar Galicia, 36 taong gulang, isang technician at driver ng RUSI na motorsiklo; Randy Comia, 45 taong gulang, driver ng Motorstar na motorsiklo at si Rodel Sodoy, 50 taong gulang, sakay siya ni Comia.

Patungo umanong town proper si Galicia nang bigla umanong masalpok nang kasalubong niyang motorsiklo na minamaneho ni Comia at naging dahilan nang pagtilapon...

Read more: Tatlo sugatan sa salpukan ng motorsiklo sa Barangay Liwanag, Odiongan