Dalawang tatakbong Mayor sa Alcantara, naghain na ng COC ngayong araw

Written by Jocelle Galicia

by Jocelle Galicia, Romblon News | Thursday, 15 October 2015

Pormal na ring naghain ngayong raw ng kandidatura ang dalawang maglalaban sa pagka-alkalde ng Alcantara na sina incumbent Mayor Eddie Lota at Dr. Riza Pamorada.

Nagkasabay rin ang dalawa na nagsimba sa simbahan ng katoliko sa bayan bago magsagawa ng caravan sa bayan si Dr. Pamorada; tumungo naman si Lota sa opisina ng Commission on Election sa Munisipyo ng nasabing bayan upang maunang mag-file ng kanyang COC kasama ang kanyang Vice Mayor at mga Sanguniang Bayan Members.

Si Mayor Lota ay miyembro ng grupo na may basbas ng grupong BuLongTik.

 

 

...

Labanang Glori at Madrid sa Santa Maria; kasado na

Written by Renand Pastor | Romblon News

by Renand Pastor, Romblon News | Thursday, 15 October 2015

Kasado na ang labanang incumbent Mayor Artemio Madrid at Rommel Glori sa pagka-alkalde ng bayan ng Santa Maria ngayong election.

Opisyal nang nagfile ng magkaibang grupo nina Madrid at Glori ngayong araw sa opisina ng Election Officer ng Santa Mari sa opisina ng Commission on Election Municipal Office ng Santa Maria.

Kasamang nagfile ni Madrid, pambato ng Liberal Party, ang kanyang vice mayor na si Dennis Corpin at kanyang mga sanguniang bayan members. Ang pambato naman ng United Nationalist Alliance na si Wellie Dela Vega ang Vice Mayor ni Glori...

Read more: Labanang Glori at Madrid sa Santa Maria; kasado na

Estudyante ng RSU, muntik nang gahasain sa tinutuluyang boarding house sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 15 October 2015

Muntik nang magahasa ang 21-taong gulang na estudyante ng Romblon State University Main Campus kaninang madaling araw sa tinutuluyang boarding house sa Barangay Liwanag sa bayan ng Odiongan.

Ayon sa kwento ng biktima sa imbestigador ng Women and Child Protection Desk ng Odiongan Municipal Police Station, pasado alas-4 umano ng hapon ng magising ang biktima dahil sa ingay na gawa ng suspek habang pinapasok ang kwarto ng biktima.

Dagdag pa ng biktima, nakatakip umano ng panyo ang mukha ng suspek ng pasukin ang kwarto niya.

Sinabi rin ng biktima...

Read more: Estudyante ng RSU, muntik nang gahasain sa tinutuluyang boarding house sa Odiongan

Incumbent Mayor Roger Fodra at Ex-VM Brecio Fajutnao, nagkaisa para sa 2016 Election

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 15 October 2015

Naghain na ng certificate of candidacy sa opisina ng Commission on Election sa bayan ng Odiongan ngayong umaga ang dating magkalaban at ngayoy magkasama sa kampanya na sina incumbent Mayor Roger Fodra at dating Vice Mayor Brecio Fajutnao.

Tumaktakbo ang dalawa bilang independent candidates.

Kasama nilang nanghain ang kanilang line-up sa pagka Sanguniang Bayan member na sina incumbent SB Chow Chua at Nicky Faderagao. Kasama rin sa kanilang SB line up ang anak ni incumbent SB Bantang na si Quince Ann Bantang, ang pinakabata at nag-iisang babae sa mga kandidato...

Read more: Incumbent Mayor Roger Fodra at Ex-VM Brecio Fajutnao, nagkaisa para sa 2016 Election