Lasing na rider sugatan sa aksidente sa Odiongan kahapon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 17 February 2016

Sugatan ang lasing na rider na si Gidby Oriendo, isang delivery boy ng isang kilalang kainan sa bayan ng Odiongan matapos na maaksidente sa may kahabaan ng National Road ng Barangay Liwayway sa nabangit na bayan pasado alas-5 ng hapon, kahapon, February 16.

Ayon sa kwento ng mga nakasaksi sa aksidente, habang binabaybay ni Oriendo ang daan sa kahabaan ng Natioanal Road patungong Barangay Dapawan nasagi umano nito ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Ian Fermanejo na paliko na sana ng mga oras na iyon sa isang tindahan ng motorsiklo.

...
Read more: Lasing na rider sugatan sa aksidente sa Odiongan kahapon

Truck sa Alcantara nawalan ng preno; nahulog sa gutter

Written by Steph Fajutag | Romblon News

by Steph Fajutag, Romblon News | Tuesday, 16 February 2016

Isang truck ang nahulog sa gutter at sumalpok sa isang puno kahapon ng tanghali sa Barangay Lawan sa bayan ng Alcantara sa Tablas Island.

Ayon sa imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station, nawalan umano ng kontrol ang driver ng 6-wheeler Isuzu truck dahil sa mabilis umano ang takbo patakbo ng driver na nakilalang si Leonardo Galin.

Sakay ni Galin ang kanyang anak apat na taong gulang na anak at isang mekaniko na nakilalang si Ian Rivera.

Agad namang isinugod sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan ang driver ng truck kasama anak nito...

Read more: Truck sa Alcantara nawalan ng preno; nahulog sa gutter

Iwasang malasing, gumamit ng celphone kapag nagmamaneho – LTO Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Monday, 15 February 2016

Nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) Romblon sa mga motorista na huwag uminom ng alak o gumamit ng cellphone habang nagmamaneho upang maiwasasan ang anumang disgrasya o sakuna sa mga kalsada.

Pinaaalala rin ng mga tauhan ng LTO Romblon District Office na magmaneho lang sa ligtas na bilis o tamang speed limit ang sasakyan, huwag kalimutang mag-seat belt at magsuot ng helmet ang mga nagmomotorsiklo.

Huwag rin aniyang pahintulutang magmaneho ang mga batang menor de edad o wala pa sa hustong gulang.

Sa tuwing bibiyahe, dapat ugaliin na dalhin...

Read more: Iwasang malasing, gumamit ng celphone kapag nagmamaneho – LTO Romblon

Santa Maria Ex-Vice Mayor laid to rest

Written by Renand Pastor | Romblon News

by Renand Pastor, Romblon News | Sunday, 14 February 2016

Inihatid na sa huling hantungan kahapon ng umaga ang dating vice mayor ng bayan ng Santa Maria na si Hon. Jovito Glori.

Kasama ang mga taga suporta ni Glori, inihatid ng pamilya ng dating vice mayor ang kanyang mga labi sa Maalag-alag Public Cemetery sa nasabing bayan.

Pumanaw si Hon. Glori dahil sa komplikasyon sa sakit na diabetes.

...