Montenegro Lines to offer new trips from Odiongan to Roxas and Caticlan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 29 February 2016

Photo Courtesy: Shipping Spotter

Kinumpirma na ng Montenegro Shipping Lines Incorporated ang balitang magkakaroon sila ng panibagong barko na babiyahe patungong Odiongan, Tablas Island, Romblon.

Sa Facebook Page ng Montenegro Shipping Lines Incorporated, sinabi nilang magkakaroon na ng Roxas to Odiongan to Caticlan na biyahe ang isa sa mga kanilang barko at ito ay inaasahang magsisimula na sa March 15 ngayong taon.

Ayon naman sa nakuhang impormasyon ng Romblon News Network sa isang source sa MSLI, nagkakahalaga ng P680 ang regular fare patungong Caticlan, P578 naman kung student at P486...

Read more: Montenegro Lines to offer new trips from Odiongan to Roxas and Caticlan

Babae, huli sa Odiongan dahil sa possession of illegal drugs

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 26 February 2016

Hinuli ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station at Romblon Provincial Public Safety Company ang isang 56 years old na babae sa bayan ng Odiongan kaninang hapon.

Ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon pasado alas 2 ng hapon at tinungo ang bahay ng subject na si Bema Fallarna na matagal nang may warrant of arrest sa RTC Branch 82 dahil sa paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165.

Ayon kay Police Senior Inspector Alvimar Flores, Chief of Police ng Odiongan MPS, bahagi ang operasyon nang pinaigting na Oplan...

Read more: Babae, huli sa Odiongan dahil sa possession of illegal drugs

'2016 Regional Festival of Talents', matagumpay na idinaos sa Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Friday, 25 February 2016

Matagumpay na idinaos sa bayan ng Romblon ang 2016 Regional Festival of Talents (RFOT) na ginanap kamakailan sa Romblon National high School taglay ang temang: “Artistry at its Best by Harmonizing Talents: Maximizing Skills”.

Ito ay nilahukan ng mga delegasyon mula sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon kung saan tintayang umabot sa 300 delegates ang dumating upang lumahok sa naturang kompetisyon.

Ang RFOT ay isang patimpalak na nagbibigay pagkakataon sa mga kabataang mag-aaral na maitanghal ang kanilang kagalingang technical at vocational.

Kabilang sa mga paligsahan sa RFOT ang experimental fish...

Read more: '2016 Regional Festival of Talents', matagumpay na idinaos sa Romblon

Bahagi ng gubat sa Brgy. Lagang, Banton; nasunog

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 26 February 2016

Nasunog nitong Miyerkules ang isang kakahuyang bahagi ng Barangay Lagang sa Banton, Romblon.

Ayon sa impormasyon na ipinagkaloob ni Banton Municipal Police Station Chief Police Inspector Edwin Bautista sa Romblon News, tanghali umano nang February 24, 2016 nagsimula ang sunog.

Hindi umano kinaya ng mga tauhan ng BFP ang nangyaring sunog kaya humingi na ng assistance sa mga tauhan ng Banton MPS kasama ang ilang mga opisyal ng Barangay Poblacion, Lagang at ilan pang kalapit Barangay.

Idineklarang fire-out ang sunog bandang 3:15 ng hapon ng parehong araw.

Hinala naman ng...

Read more: Bahagi ng gubat sa Brgy. Lagang, Banton; nasunog