Mga pasahero patungong Romblon, stranded sa Batangas Pier dahil sa padating na bagyong Nona

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 13 December 2015

Stranded ang halos 100 pasahero na patungong Romblon sa Batangas Port matapos na itaas sa lalawigan ng Romblon ang Public Storm Warning Signal #1 dahil sa bagyong Nona.

Ayon kay Menchie Fos na biyaheng Odiongan, Romblon, maaga sila dumating sa pantalan upang makahabol sana sa last trip na biyahe ng barko ngayung araw ngunit hindi na sila pinaakyat ng barko ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard dahil sa banta ng bagyo.

Ang ilan naman sa mga pauwi ay mga estudyante at turista na magbabakasyon sana sa Romblon ngayong pasko.

...

Estudyante patay sa aksidente ng motorsiklo sa Odiongan nitong Sabado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 13 December 2015

Namatay ang isang estudyante ng Romblon State University Main Campus nitong Linggo ng umaga matapos masangkot sa aksidente ng dalawang motorsiklo madaling araw ng Sabado.

Nakilala ang estudyante na si Paul John Tejada, 5th Year Agricultural Engineering student, at residente ng Barangay Gabawan.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Romblon News, pauwi na umano si Tejada galing sa isang bar sa bayan ng Odiongan ng masalpok ng motorsiklo na kasalubong niya sa bahagi ng National Road sa Barangay Gabawan. Paliko na umano si Tejada sa Barangay Road ng Brgy. Gabawan...

Read more: Estudyante patay sa aksidente ng motorsiklo sa Odiongan nitong Sabado

Romblon PDRRMO 'ready na' sa maaring epekto ni #NonaPH sa lalawigan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 13 December 2015

Nakahanda na umano ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa maaring maging epekto ng bagyong #NonaPH sa lalawigan ng Romblon sa kaniyang paglapit sa lalawigan.

Inaasahang lalapit ang sentro ng bagyo ng halos 65km hilaga ng Romblon, Romblon sa darating na Martes kung hindi magbabago ang track na inilabas ng PAGASA.

Ayon kay Engineer Tony Sarsona ng Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Biyernes pa sila nakabili ng mga pagkain na ilalagay sa mga food packs bilang paghahanda na rin sa bagyo. Nakipag coordinate na rin umano...

Read more: Romblon PDRRMO 'ready na' sa maaring epekto ni #NonaPH sa lalawigan

Kapiyestahan ng Immaculada Conception, ipinagdiwang sa Sibale

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, Romblon News | Sunday, 13 December 2015

Ipinagdiwang ng bayan ng Concepcion (Sibale Island) nitong ika-5 hanggang ika-8 ng Desyembre, mga araw ng Sabado hanggang Martes, ang Kapiyestahan ni Inang Maria Immaculada Conception, ang Patron ng nasabing bayan.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pag-aalay ng isang banal na misa at ang tradisyon na parade at Biniray. Sa bawat araw din, itinatampok ang ibat-ibang mga palabas kagaya ng street dance, awitan, at mga palaro na nilalahukan ng ibat-ibang barangay at mga paaralan.

Kasabay rin ng pagdiriwang na ito, isinasagawa ang taunang Rungawan Festival ng Sibale na kung saan...

Read more: Kapiyestahan ng Immaculada Conception, ipinagdiwang sa Sibale