DOH, nagkaloob ng isang yunit ng Mobile Dental Bus sa Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB

by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Tuesday, 28 June 2016

Nakatanggap kamakailan ang lalawigan ng Romblon ng isang unit ng Mobile Dental Bus mula sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Dr. Ruth Cervo ng DOH Romblon Provincial Office, ang naturang bus ay may dalawang dental chair, stainless na lababo, upuang hintayan ng mga magpapabunot o magpapakonsulta, at mesa ng dentista. Bahagi aniya ito ng agresibong pagsusulong ng DOH upang matamo ang Kalusugang Pangkalahatan at maaari umano itong mag-ikot sa iba’t ibang bayang nasasakupan ng Romblon upang mgasagawa ng medical at dental mission.

Ang proyektong ito ay naglalayong makapaghatid ng...

Read more: DOH, nagkaloob ng isang yunit ng Mobile Dental Bus sa Romblon

Oath-taking ceremony ni Congressman-elect Emmanuel Madrona sa Huwebes, pinaghahandaan na

Written by Jackey Tapao | Romblon News

by Jackey Tapao, Romblon News | Monday, 27 June 2016

Pinaghahandaan na ng mga residente ng bayan ng San Agustin, Romblon ang nalalapit na oath-taking ceremony ng kanilang kasalukuyang Mayor at Congressman-elect Emmanuel 'Toto' Madrona sa araw ng Huwebes, June 30.

Kaninang alas-3 ng hapon, nagsagawa ng mass clean-up drive sa buong Poblacion ng San Agustin ang mga empleyado ng Local Government Unit kasama ang mga estudyante ng Tablas Academy at Holy Rosary Academy.

Inaasahang sa Huwebes ng umaga sa San Agustin Covered Court isasagawa ang oath-taking ni Congressman-elect na inaasahang dadaluhan nina incumbent Congressman Eleandro Jesus Madrona at ilan pang Mayor...

Read more: Oath-taking ceremony ni Congressman-elect Emmanuel Madrona sa Huwebes, pinaghahandaan na

San Agustin Negosyo Center Bukas na para sa Publiko

Written by Ian Kay Faa | Romblon News

by Ian Kay Faa, Romblon News/PR | Monday, 27 June 2016

Sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry – Romblon Provincial Office sa local na pamahalaan ng San Agustin, pormal na pinasinayaan ang pagbubukas ng Negosyo Center sa San Agustin Agricultural Training Center Brgy. Poblacion, San Agustin Romblon.

Sa pambungad na pananalita ni San Agustin Mayor at Incoming Congressman Hon. Emmanuel F. Madrona pinasalamatan niya ang ahensya sa pagbibigay daan upang lubos pang mapaunlad ang mga taga San Agustin lalo na sa mga nais magnegosyo. Dumalo din sa nasabing inagurasyon sina Hon. Vice Mayor Zaldy G. Marin at incoming Mayor,...

Read more: San Agustin Negosyo Center Bukas na para sa Publiko

Babera at mga kasamang konsehal, pormal nang nanumpa

Written by Che Che Factor | Romblon News

by Che-Che Manzo, Romblon News | Monday, 27 June 2016

Pormal ng nanumpa ngayong araw sa bayan Calatrava ang mga nanalong Mayor ng Calatrava noong May 2016 Election na sina Mariet Babera.

Ginanap ito sa Public Plaza ng bayan at dinaluhan ng mga taga-suporta ni Babera.

Kasamang nanumpa sa harap ni Judge Foja ng Odiongan ang 5 kapartido ni Babera na sanguniang bayan member.

Present din sa nasabing event si incumbent Calatrava Mayor Robert Fabella na papalitan ni Babera sa araw ng Huwebes, June 30, sa ganap na alas-2 ng hapon.

...