Contractor ng hindi natapos na school building sa Talisay, Calatrava; nangako sa DepEd Romblon na ipapatapos ito

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 01 July 2016

Nangako umano sa pamunuan ng Department of Education - Romblon ang contractor ng hindi natapos na silid-aralan sa Cabibihan Elementary School sa Sitio Cabibihan, Barangay Talisay, Calatrava, Romblon na ipapatapos nila ito.

Yan ang mga pahayag ni DepEd-Romblon Schools Division Superintendent Roger Capa ng makapanayam nang Romblon News Network.

Sinabi ni SDS Capa na taong 2014 pa ang proyekto at hindi pa umano siya nakakaupo noong panahon na iyon.

"Pag upo ko [bilang SDS noong 2016], hindi na namin pinasali sa mga bidding ng DepEd ang Contractor [na yan] hangga't di...

Read more: Contractor ng hindi natapos na school building sa Talisay, Calatrava; nangako sa DepEd Romblon na...

Marijuana, nasabat sa bahay ng Top 5 drug personality sa Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 01 July 2016

Nasabat ng mga operatiba ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Inspector Manuel Fernandez ang apat na 5 pakete na may lamang marijuana sa bahay ng isang hinihinalang pusher ng marijuana sa Barangay Tumingad, Odiongan, Romblon.

Nakilala ang suspek na si Ron Clyde Paraguison, 26 taong gulang, residente ng nasabing Barangay at nasa Top 5 drug personality ng bayan ng Odiongan batay sa lista ng kapulisan.

Nakuha sa suspek ang 4 na silyadong sachet na may lamang marijuana at isang sachet na may bawas na, ilang drug paraphernalia, cellphones,...

Read more: Marijuana, nasabat sa bahay ng Top 5 drug personality sa Odiongan

Grade 1-3 students sa isang paaralan sa Calatrava, siksikan sa sirang classroom

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 01 July 2016

Ito ang silid-aralan ng mga Grade 1-3 students ng Cabibihan Elementary School sa Calatrava.Ito ang silid-aralan ng mga Grade 1-3 students ng Cabibihan Elementary School sa Calatrava.

Butas na pader at tumutulong bubong, yan lamang ang ilan sa mga problemang kinakaharap ng mga grade 1 hanggang grade 3 na estudyante ng Cabibihan Elementary School sa Sitio Cabibihan, Baragay Talisay, Calatrava, Romblon.

Sa Cabibihan Elementary School kasi, magkakasama sa iisang silid aralan ang mga mag-aaral ng Grade 1, 2 at 3.

Nagtitiis ang mga nasabing estudyante sa lumang school building na gawa pa sa pinagpira-pirasong mga kahoy habang ang mga Grade 4-6 naman ay may semento nang silid-aralan.

Ito ang ipinatayong building para sa paaralan na dapat taong 2014 pa natapos.Ito ang ipinatayong building para sa paaralan na dapat taong 2014 pa natapos.

Matagal nang nag-aantay ang mga estudyante ng Grade 1-3 ng nasabing paaralan...

Read more: Grade 1-3 students sa isang paaralan sa Calatrava, siksikan sa sirang classroom

BJMP at Calatrava MPS, nag-kaloob ng regalo sa mga estudyante sa Talisay, Calatrava

by Arnold Fetalvero, Romblon News | Thursday, 30 June 2016

Pinagkalooban ng mga regalo ng mga tauhan ng Odiongan District Jail at Calatrava Municipal Police Station sa pangunguna nina Senior Inspector Jorge Allan D'May Soriano at Inspector Gemie Mallen ang mga estudyante ng Cabibihan Elementary School sa isang liblib na barangay ng bayan ng Calatrava ngayong araw.

Hindi alintana sa grupo ang dagat na kailangang daanan para lang marating ang nasabing liblib na barangay.

Nagkaroon rin ng libreng pakain para sa mga bata ang grupo at ang ilan ay nakipag story telling pa sa mga estudyante.

Tuwang-tuwa naman ang mga bata dahil naabot...

Read more: BJMP at Calatrava MPS, nag-kaloob ng regalo sa mga estudyante sa Talisay, Calatrava