Cargo Vessel, sumadsad sa Romblon; walang oil spill ayon sa Coast Guard

Written by Christian Jade Montiel
  • Pinterest

by Christian Jade Montiel, Romblon News | Sunday, 13 March 2016

Naialis na sa bahura ng Barangay Cajimos, Romblon, Romblon ang cargo vessel na LCT Bantayog matapos itong sumadsad nitong nakaraang Miyerkules.

Ayon sa pamunuan ng Coast Guard Station Romblon, galing Bohol ang cargo vessel at patungo sanang Romblon Port upang mag karga ng mga bakal.

Wala namang dapat ikabahala ang mga residente ng nasabing lugar sa oil spill dahil wala naman umanong naging sira ang barko dahil sa aksidente.

Nakadaong ngayon ang barko sa Romblon Port, at inaayos pa ang papeles upang makaalis.

...

Wanted Person sa Looc sa kasong sangkot ang druga, nahuli ng Looc MPS

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Nadakip ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Chief Inspector Aurelio K. Cabintas ang isang wanted person sa bayan ng Looc nitong Huwebes, March 10.

Dinakip sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na si Roy Glori Sarabia, 55 taong gulang, single, isang mechanic, at residente ng Sitio Ilaya, Barangay Guinhayaan, Looc, Romblon.

Ang nasabing suspek ay may kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Section 11. Possession of Dangerous Drugs. - The penalty of life imprisonment to death and a fine ranging from Five hundred thousand...

Read more: Wanted Person sa Looc sa kasong sangkot ang druga, nahuli ng Looc MPS

Kamay ng imahe ni San Vicente Ferrer ng Odiongan Parish, tinangay ng kawatan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 11 March 2016

Hinihinalang tinangay ng mga kawatan ang kanang kamay ng image ni San Vicente Ferrer na nakalagay sa isang shrine sa St. Vincent Ferrer Parish sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos matuklasan ng mga deboto ng imahe na nawawala ang kamay nito noong nakaraang Linggo.

Ayon sa nakausap ng Romblon News Network, laging nakabukas ang shrine kung saan nakalagay ang imahe ng santo kaya madaling pasukin ito ng mga kawatang may interes sa imahe.

Ang nasabing shrine na itinayo noong April 5, 1997 ay isa sa mga binibisita ng mga deboto ng...

Read more: Kamay ng imahe ni San Vicente Ferrer ng Odiongan Parish, tinangay ng kawatan

Ilang Romblomanon, nailigtas sa tangkang human trafficking sa Boracay; suspek Romblomanon rin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 11 March 2016

Nasagip ng mga tauhan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang aabot sa 24 na babae sa Boracay Island na nagtatrabaho for "commercial sex".

Kasabay nang pagkakaligtas sa mga kababaihan ay nadakip ng mga kapulisan sa isang Sitio sa Barangay Manoc-Manoc  ang dalawang suspek na empleyado ng Video King Bar bilang casher at waiter.

Kinilala ito sa report ng Rappler na sina Nestor Fabiano, Jr. 32 years old, residente ng Naga City at si Boyet Fajarito, Jr. 29 years old at residente ng Barangay Gabawan, Odiongan, Romblon.

Kinasuhan ang mga suspek...

Read more: Ilang Romblomanon, nailigtas sa tangkang human trafficking sa Boracay; suspek Romblomanon rin