MIMAROPA Festival 2017, nagsimula na!

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nagsimula na ngayong Lunes ang unang araw ng MIMAROPA Festival 2017 na ginaganap sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Pinangunahan nina Romblon Governor Eduardo Firmalo at Occidental Mindoro Governor Mario Gene Mendiola ang opening ceremony na ginanap sa Romblon Provincial Sports Complex.

Nagkaroon rin ng lighting of torch na dinaluhan ng dalawang Gobernador, representative ng ilang probinsya at siyudad, at ni Department of Tourism Regional Director Danilo Intong.

Malugod namang nai-welcome ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic ang mga bisita galing pa sa ibang lugar.

Sinabi ni Mayor Trina Firmalo-Fabic na welcome umano ang lahat ng bisita na inaasahang umaabot ng halos 5000 katao galing sa iba't ibang probinsya sa MIMAROPA.

Nagkaroon rin ng parada paikot sa bayan ng Odiongan ang iba't ibang schools sa Odiongan para sa Drum and Lyre Competition bilang bahagi parin ng opening ng MIMAROPA Festival 2017.